Isang gabi habang bumibili ako ng tinapay sa kalapit na
bakery, narinig ko ang isang DJ na nagsasalita sa kanyang palatuntunan sa
radyo. At ang mga katagang iyun ay agad naka-agaw ng pansin as akin habang
inaatay kong matusta ang pan de sal na inorder ko.
“…aba, malamang. Dapat lang na makinig ka sa akin no? Kami
lang kasi dito ang nagbibigay ng “high-quality entertainment.” That’s why we’re
here.” May matching pa na sound effect yan ng mga taong tumatawa, kaya lang
hindi ko alam kung tawa ba talaga yun o napilitan lang.
Oops! Teka lang. Tama
ba narinig ko? Para magbigay ng “high-quality
entertainment?”