11/19/2013 7:14:39 PM
“People killin', people dyin', children hurt and you hear them cryin'.
Can you practice what you preach? And would you turn the other cheek?” –
Where is the Love, Black Eyed Peas
Practice What You Preach. Yan lang ang masasabi ko sa mga
taong nagkukumento sa mga napapanahong post (ke negatibo man ang laman o
positibo) na may kinalaman sa bagyong Yolanda. Mabuti sana ang intensyon ng mga
salita kung ginagamit lang ito sa wasto, at hindi sa pagyayabang ng mga taong
wala namang ipagyayabang.
Oo,
practice what you preach. Ibig sabihin, gawa bago salita; o better yet, gawin
mo yang sinasabi mo. Patunayan mo sa kilos ang mga salitang binibitawan mo.
Tumulong na
lang kayo? Siguraduhin n’yo na kayo mismo ay ginagawa niyo yan ha? Baka naman
yang “tumulong na lang kayo” na remark na iyan ay ginagawa mo lang pang-sam
comment sa mga Facebook page whenever na may makikita kang di magandang post.
Tigilan n’yo
ang paninisi?! Tama yan. Yan ay kung hindi ka mismo namumuna o naninisi sa
kapwa mo.
Hindi kayo
nakakatulong? Bakit, kayo ba mismo ay tumutulong? Kung oo, maiintindihan namin
ang argument mo. Kung hindi, e gago ka pala eh. Sa halip na mamuna ka d’yan...
Walk your
talk, ika nga.