07/17/2017 09:35:22 PM
Isa sa mga pinakamahalagang bagay sa isang bansa ay ang pagkakaroon ng isang sistema para sa transportasyon ng tao. As in mass transportation ba.
At para sa mga nag-aaral/nagtatrabaho/naggagala sa Kalakhang Maynila, malinaw na isa ito sa mga pinakamalalang problema na may karugtong pa na sakit na ulo – ang trapiko. Imagine mo no? Mahirap na ngang sumakay, naiipit ka pa sa lugar na iyong kinatatayuan.
At dahil lagi na lang puno ang mga jeepney, bus, at ultimo mga tren – sinamahan mo pa ng maraming maaarte na taxi driver, talaga nga namang ang mag gaya ng carpool at TNVS na lanmang ang nakikitang solusyon rito. Kaya nariyan ang mga gaya ng Uber, Grab, at ultimo ang Angkas.