Matapos ang “Call Me Maybe” ni Carly Rae Jepsen, isa na namang
panibagong kaso ng LSS ang lumalaganap. At matapos ang “Teach Me How to Dougie”
ng Cali Swag District, isang sayaw na naman ang nauuso. Usapang viral hit na
naman ngayong 2012.
Nagsimula sa isang dance hit, naging viral ang isa sa mga
panibagong kanta na umiikot sa sirkulasyon ng YouTube. At isa na namang
panibagong isyu ito ng K-Pop invasion.
Ang kanta at sayaw ni Psy na “Oppa Gangnam Style” ay naging
patok sa nasabing video streaming site. Ilang daang milyong hits na ang naitala
nito. Naging trending na usapan din ito sa mga social networking sites
worldwide. Hanggang sa kani-kanilang version ng nasabing dance hit ang
nagsisulputan sa YouTube.
Sobrang patok ba ang usapan? Oo, kaya nga napasama na ‘to sa
Guiness. Nah, siguro iyan talaga ang mangyayari kapag una nakukuha ng ritmo ang
atensyon mo. Kahit hindi mo maintindihan ang liriko o kahit ilang salita lang
ng wikang Ingles ang nabanggit at iyong naiintindihan, sige, go lang. Karaniwan
kasi sa mga patok na kanta sa kahit anong lengwahe, basta naiintindihan mo ang
mga sinasabi sa chorus o yung mas inuulit na parte man lang dun, ayun na. Ok sa
alright na para sa ilan. Siguro, lalo na sa kaso ngayon na mararaming mga kanta
mula sa Korean pop culture ang sumisikat hindi lang sa Pilipinas at sa ibang
bansa sa Asya, kundi sa buong mundo.
Aba’y kayo na ang manghusga. Mula sa palabas sa telebisyon,
lokal man o banyaga, hanggang sa mga sikat na personalidad, hanggang sa ultimo
mga bata.
Pero kahit hindi po trip ng inyong lingkod ang mga ganitong
klaseng tugtugin ay sinubukan ko pa rin na pakinggan ang nasabing kanta at
panoorin ang music video nito. Hmmm… ayos din ha. Yung musika. Pero yung sayaw,
aba, hindi na ko magkukumento.
Kung magpapaka-superficial ako, medyo astig din pala yung
beat. Minsan nga naisip ko tuloy na baka next time na mag-download ako ng mga
ringtones e baka mamaya ito na ang tumunog pag may “1 message received” ah.
Pero anyway, ayos lang yung kanta para sa akin. Pero hanggang
dun lang. Mas ayos pa rin para sa akin ang lokal na musika.
Author: slickmaster | Date: 09/24/2012 | Time: 12:02 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions