Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label kabataan. Show all posts
Showing posts with label kabataan. Show all posts

10 November 2014

Mga Bagay Na Dapat Mong Isipin Bago Ka Lumandi...

5/13/2014 6:43:46 AM

Wala na tayong magagawa. Ito na ang panahon na kung saan ay mas mananaig pa ang mga makamundong bagay kesa sa mga bagay na makapagpapabuti sa kanila. Mas mahalaga pa nga sa kanila ang mag-selfie kesa sa kumain eh.

Pero siyempre, hindi lahat ng kabataan ay magkakatulad. Parang mga lalake sa manloloko, at mga rakista, hip-hopista o alinmang miyembro ng underground society sa pagiging tirador ng ganja at takaw-away. Ang alinmang akto ng pag-gegenralize sa kanila ay isang malaking katarantaduhan, este, mortal na kasalanan hindi lamang sa aspeto ng pormal paglalahad at journalismo, kundi pati na rin sa personal na pananaw.

25 June 2012

Ang patutsada sa isyu ng opisina’t relihiyon.

Isang pasada sa isang kamakailang mainit na balita. Kamakailan lang ay may panukala ang isang kongresista na ipagbawal ang anumang mga bagay na may kinalaman sa relihiyon sa loob ng mga opisina ng pamahalaan. Ayon kay Kabataan partylist representative Mong Palatino, ang House Bill 6330 ay naglalayon na i-ban ang ang mga gawaing may kinalaman sa relihiyon, kasama ang mga panalangin, misa, pagbababasbas at paglalagay ng mga anumang bagay na tulad ng crucifix, Bibliya, Koran at iba pa sa loob ng mga tanggapan ng gobyerno.

Ayon kasi kay Palatino, ang mga relihiyosong simbolong nakikita sa mga lugar na ito ay tila nagendorse ng isang particular na pananampalataya. Yung ibang empeyado daw e napipilitan daw na umattend ng mga misa at iba pang mga relihiyosong aktibidades ng kanilang mga superiors. Yung iba, hindi makagawa ng mga dapat na transaksyon tuwing lunch break dahil sa nasa misa ang mga kawani nito.

Naging isang mainit na balita na naman to sa iba. Kaliwa’t kanan ang mga taong naglahad ng opinion sa panukalang ito sa mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter at iba pa; at pati na rin sa mga blogs, at diyaryo sa iba’t ibang panig ng bansa.

04 June 2012

Kalandian Nga Ba?

06/04/2012 09:43:00PM

Minsan ako nagmasid sa mga bagay-bagay noon. At sa unang pagkakataon, bigla akong na-culture shock.