Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label landian. Show all posts
Showing posts with label landian. Show all posts

10 November 2014

Mga Bagay Na Dapat Mong Isipin Bago Ka Lumandi...

5/13/2014 6:43:46 AM

Wala na tayong magagawa. Ito na ang panahon na kung saan ay mas mananaig pa ang mga makamundong bagay kesa sa mga bagay na makapagpapabuti sa kanila. Mas mahalaga pa nga sa kanila ang mag-selfie kesa sa kumain eh.

Pero siyempre, hindi lahat ng kabataan ay magkakatulad. Parang mga lalake sa manloloko, at mga rakista, hip-hopista o alinmang miyembro ng underground society sa pagiging tirador ng ganja at takaw-away. Ang alinmang akto ng pag-gegenralize sa kanila ay isang malaking katarantaduhan, este, mortal na kasalanan hindi lamang sa aspeto ng pormal paglalahad at journalismo, kundi pati na rin sa personal na pananaw.

27 January 2012

ang landi ay landi, ang buhay ay buhay.

Tawagin mo na kong pathetic o anit-romantikong tao, pero may dahilan kung bakit ganun ang pananaw ko. Naniniwala naman ako sa pag-ibig. Yun nga lang, ang mali ay mali at hindi pwedeng maging tama, at hindi pwedeng gawing excuse ang pagkabulag-bulagan sa pag-ibig.


At lalong hindi ako love guru. Pero sa totoo lang, parang katulad lang 'to ng mga sinusulat ko ukol sa mga ganitong paksa e. katulad nito: Ilang beses ko nang nababasa ang mga kataganag tulad nito.


"magkakamatayan tayo pag nilandi mo siya."


Hindi man sa eksaktong paglalarawan yan, pero sa totoo lang, wala kang karapatan na kitilan ang buhay niya, o kahit sinumang kapwa mo dito sa mundong ibabaw.  Bago ka mag-angas dyan, ba, e bakit?