5/24/2014
6:04:59 AM
Isa sa mga
sakit ng tao ay ang “katamaran.” Daig pa nya ang kanser, heart attack, at
stroke kung tutuusin. Kung may pambasang sagisang ang mga karamdamansa ating
lipunan, ito yun. Oo nga,ang katamaran. Bow. At isa sa
mga kalunos-lunos na resulta ng ating pagiging “katam” ay ang pagkakaroon pa ng
isang kumplikasyon na kung tawagin ay “last minute syndrome.”
Daig pa
nito ang “last two minutes” (mas okay kung ang magsasabi nito ay yung lumang
coliseum barker sa PBA; yung medyo monotonous ang dating) sa basketball. Dito,
mas clutch ang mga tao. Mas nagmamadali. Mas maraming napapraning. At mas
maraming umiinit ang ulo na humahantong sa kanilang pagkadismaya.
Kaya ang
resulta ay magpaparinig sa Facebook at magwiwika ng “Putanginang COMELEC yan!
Wala na raw extension! Samantalang dumating naman ako ng last day para
magparehisto!”