Hmmm… paano nga ba ang Pinoy kung maisakatuparan ang cyber
crime law? Lalo na ang libel provisions nito? Marami man ang magiging palaban
sa batas na ito, pero paano nga ba sila hindi aalburoto kung ultimo ang mga
eksperto ay nagsasabing sumobra na sa pangil ito. At mantakin mo, ang ilang mga
mambabatas ay umamin na parang may mali sa naisabatas na Republic Act 10175? Ke
hindi raw na-review ng husto ang mga probisyon sa kasong libelo
Wala nang murahang magaganap. Baka ma-libel e. Mahirap na.
Wala nang ring asarang magaganap. Baka-libel na din
maituturing.
Wala na ring mga meme’t wall photo na pagtitripan. Sabay,
parang bullying na rin kasi ang dating e.
Ang hirap kasi ay hindi malinaw ang pamantayan kung kelan libelous ang salita o hindi. Magkakaiba tayo ng standard ng tolerance bilang tao. Kungbaga kung ang salitang tulad ng "Gago" at iba pa ay expression pa lamang para sa akin, baka sa iba o kahit sa inyo, hindi. Ganun kalabo. Sa print at broadcast media may matinding distinction sa mga salita kung libelous ba ang mga ito o hindi. Pero sa social media, iba na ang kahulugan nito. Yun lang ang problema.