06/10/2012 1:34 PM
Dear “haps,”
Kumusta ka na? Sana nasa maayos ka na kalagayan. Alam ko na
abalang-abala ka pag-aaral mo, at hindi mo prayoridad ang mga bagay na ukol sa
pag-ibig. Ayos lang, makakapasa ka sa board exam mo. Naniniwala ako na
kakayanin mo ang lahat-lahat ng pinagdadaanan mo, at hihintayin ko ang panahon
na iyun.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ko nasulat ito. Kakaiba
lang, kasi hindi naman ako sumusulat ng mga istoryang may kinalaman sa
pag-ibig. Ni literal ang pangit ng sulat-kamay ko nung nilalapat ito sa papel.
At walang arte-arte di tulad ng ibang naka-stationary set, ito?Nasa gusgusing
yellow paper at antigong Word document.
Nagkamalas-malas ang halos lahat sa akin nun. Mag-iisang
taon mula nung nagtapos ako ng pag-aaral pero hanggang nung panahon na yun e
wala pa rin akong trabaho. Nababalisa din ako kasi nag-iisa akong namumuhay sa
probinsya nun. Hanggang sa minsan napauwi ako ng Maynila, tinawagan para sa
isang interview, at inaantay ang panahon na uuwi ako ng Bulacan matapos nun.
Akalain mo, sa lahat-lahat ng possibleng lugar na makilala
kita, sa Facebook pa. Ni hindi nga tayo nagpapansinan noon? (Sino nga ba ako,
di ba, kundi isa lang sa mga online tropa ng dating boyfriend mo?) Hindi ko
alam kung anong nakain ko at bigla akong tinamaan sa iyo, nung nagsimula tayo sa
wall-to-wall na usapan isang Sabado ng umaga, Marso a-31 nun, ilang araw mula
ng pagkagradwyet mo sa pag-aaral nun. Hanggang sa mga sumunod na araw at gabi,
nauwi sa pagtetext, hanggang sa madamagang tawagan. Kulang na lang talaga, ang
magkita ng tuluyan.
Hindi ko nga inaasahan na may magkakagusto at mahuhulog pala
sa akin e, magmula nung minsan sinendan mo ko ng mensahe sa Facebook na tila
kakaiba para sa isang na babae na magpahiwatig ng ganung nararamdaman (sabagay,
kahit naman ako e hindi rin naniniwala sa online romantic relationship nun e).
Nung una, hindi ko mawari yan, pasikot-sikot kasing yan. Hanggang sa dumating
ang mga sumunod na araw at pag-uusap nating dalawa.
Aminado ako, ganun din ang nararamdaman ko sa iyo bagamat
napapangunahan ako ng takot. Hindi na ako natahimik, pero mula nun, nakakangiti
ulit ako ng tulad ng dati. Tulad nga ng pangalan mo, ikaw ang kasiyahan. Kung banatan ang usapan, parang Coke, ikaw
ang “happiness” ko.
Akalain mo oh, hindi ka nga nagkamali sa pag-assume mo, kasi
aminado ako na nag-assume din ako.
Ang tagal kong inaantay ito bagamat hindi ko pinagtutuunan
ng pansin ang buhay pag-ibig noon. Siguro dala nung mabasted ako limang taon na
ang nakakalipas at nagiging busy na rin ako sa mga makamundong bagay mula noon.
At kung may naramdaman nga sa iba, nawala rin ito bigla. Kaya ayun, mula
pagkapanganak, namuhay na salat sa pag-ibig na inaasam.
Ikaw lang ang nagpatunay sa akin na mali ako. Hindi pala ako
anti-romantic na tao. Siguro sadyang malalim lang talaga ang madalas nilalaman
ng utak ko, at dun mo yata ako nakilala at hinangaan. May taong magmamahal pala
sa akin na tulad ng ganito. Ang pagkakalaam ko lang kasi e mga kaibigan,
kapamilya at kamag-anak lang ang magpaparamdam sa akin ng pagmamahal. Akala ko
wala…. Hanggang sa dumating ka. At wala kang kasalanan dun ha? Wag mong sisihin
sarili mo.
Marami sana akong gustong ipahiwatig sa iyo, maliban pa sa
mga banatan at kwentuhan natin sa telepono at pagmention ko palagi sayo sa kada
pagtitweet ko ng mga ganyang kataga sa Twitter. Ni hindi ko alintana ang
distansya ng ating mga lugar na kinatitirikan at mga bagay sa ating dalawa, o
ang mga bagay-bagay na nakakapagpa-busy sa ating dalawa.