Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label lipunan. Show all posts
Showing posts with label lipunan. Show all posts

20 November 2013

Anong Pinaglalaban Mo?

7/26/2013 5:36:01 PM

Ito lang ang hindi ko maintindihan. Ang daming problema ng Pilipinasna sinosolusyunan at patuloy pa ring sinosolusyunan ng ating pamahalaan. Pero ilang administrasyon na ang nagdaan, bumuti naman ang mga bagay na tila wala nang lunas noon, pero bakit nagngangaw pa rin ang mga ‘to?

22 August 2013

Tirada Ni Slick Master: Ang Arte N’yo!

8/21/2013 5:05:40 PM

Ang arte rin ng mga ‘to no?

Porket maulan ang panahon, tinatamad nang pumasok. At teka nga, may gana ba talaga ang mga ‘to na magsipasok sa kani-kanilang mga eskwelahan?

Kamakailan lang kasi, noong kasagsagan ng mga pag-ulan sa lugar na ating kinatitirikan, ay naglipana sa mga news feed sa social networking sites na Facebook at Twitter ang pagiging tamad ng mga estudyante na pumasok sa eskwelahan. Aba, sa school, tamad kayo pero sa Facebook, ang sisipag n’yo?

19 July 2013

Batas Versus Human Rights?

7/19/2013 | 8:00:00 PM | Friday

Minsan, natatanong ko na nga lang ito sa sarili ko: “Talaga bang magkakontrapelo ang batas at karapantang pantao sa ating lipunan?”

16 May 2013

Isang Pasaring Sa Mga Tangang Mamamayan.


11:48:49 PM | 5/15/2013 | Wednesday

Mga minamahal na kababayan, bakit ang tatanga n’yo? Noong mga nagdaang taon, noong panahon na naghari ang korapsyon,  naghahangad kayo ng pagbabago. Nitong mga nagdaang araw na’y dumating na ang eleksyon, ni hindi naman kayo bumoto. Puro kayo reklamo. Anak ng puta naman, ano ba talaga ang gusto n’yong mangyari sa lipuanng ginagalawan n’yo?

Oo. May bumoto nga naman. At noong dumating na ang eleksyon, laging paalala sa inyo na bumoto ng wasto. Pero ano ang ginawa mo? Winaldas ang pagkakataon. Nagpasilaw sa kasikatan nila, kahit wala namang kakwenta-kakwenta o ni substamsya ang kanyang ginawa, basta may pangalan, sige lang. Parang mga gago lang na nagpadala sa kandidato porket may sarili siyang palabas at pera. Kahit walang kilos at puro lang boka. Ay, nakakaloka.

07 April 2013

Sino Ang Dapat Sisihin?: “Sabit”


10:20:34 AM | 4/7/2013 | Sunday

Babala: Hindi po ito true story.

Isang sitwasyon ang aking napuna habang ako’y nasa gitna ng byahe nun. Nasa isang kalye sa lungsod ng 
Pasig ang aking binabaybay na dyip, nang may mga grupo ng mga bata (as in wala pa sa wastong edad) ang sumasabit sa mga pampasaherong dyip. Malalakas ba loob nila? Maari, dahil hindi nila alam ang panganib na kayang idulot ng pagsabit. Napasigaw na ang drayber lahat-lahat para babalaan ang mga bata na bumaba sa kanyang sasakyan, pero hindi ito pinakinggan ng mga musmos na pasaway.

Hanggang sa isang saglit matapos ang kanyang matiwasay na pagpapatakbo (as in sakto lang), napapreno bigla ang dyip at sa hindi inaasahang pagkakataon, nahulog ang mga bata. Napabitaw sa sinabitang dyip ang mga ito at nabagok pa nga ang isa sa kanila, habang ang isa ay muntik pang masagasaan ng kasunod na sasakyan.

25 February 2013

Silang Mga Mapang-Abusong Demokratiko.

12:42 PM | 02/25/2013

Abusado ka masyado e. Ayan tuloy.

Ang daming naganap sa rehimeng hindi makakalimutan ng bawat Pilipino na nabuhay noong dekada ‘80, mula sa isang marahas na diktadurya hanggang sa snap elections hanggang sa nadaya diumano ang resulta, hanggang sa isang napakalaking pakikibaka sa kalsada na kung tawaging ay Epifanio Delos Santos Avenue, hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang isang diktadurya at naibalik ang demokrasya sa ating bansa.
Pero, dalawampu’t pitong taon na ang nakalipas... at ano na nga ba ang nangyari mula pa noong Pebrero 25, 1986, maliban sa nagging over-crowd ang EDSA dahil sa MRT, naglipanang mga mall, condominium, nagtataasang mga billboard at pasaway na mga drayber?

Oo nga, anyare? Hindi naman yata tayo natuto e.

16 February 2013

Ang Pakikipagsapalaran ni Calvin Baterna sa Lansangan. EPISODE 1.

07:47 PM | 02/16/2013

Si Calvin Baterna, 9 anyos, may katangkaran ang itsura pero patpatin. Hindi mo siya makikitaan sa itsura ng isang bully. In fact, parang ngang hindi siya makabasag ng pinggan e. At ang kanyang nickname ay “bakal” at “batas.” May tirahan siya pero madalas sa bawat araw e namumuhay siya sa isang sulok ng kanto sa Maynila. As in doon siya tumatambay, nanonood ng TV sa tapat ng kapitbahay, kasama ang mga kapwa tambay, at kahit nag-aaral. Namulat siya sa mga makamundong bagay na nakikita niya sa kalye. Mga taong nakikipagbangayan sa isa’t-isa, mga taong mali-mali na nga asal e lulusot pa sa kanilang mga kalokohan, pagkalap ng tsismis, mga kapwa niyang bata na nagiging tambay at kawatan na lang porket lagi silang nabubungangaan at naabuso ng kanilang mga nakatatanda.

Pero pinili pa rin ni Calvin ang maging matino sa kabila ng lahat. Natuto siyang maging mabuting nilalang sa tulong ng kanyang pag-aaral sa eskwela. Sumunod sa utos ng magulang kahit lagi siyang nasisigawan (dahil nga sa hirap ng katayuan niya sa buhay), magdasal ng mataimtim. Actualy, halos matinong bata naman siya e.

Pero kung may bagay siya na natutunan niya sa kanyang mga kabaro at kaedad – yun ay ang umasta na parang siga. Bagay na lagi namang kinokontra ng nanay niya, ke wala pa siya sae dad para umasta na parang ang nagas niya. Hindi na lang nagsasalita si Calvin pero tinutloy-tuloy niya ang kanyang pag-aangas sa kalye basta nasa tama siya, tulad ng isang sitwasyon na ito.

03 February 2013

Binabalewalang Babala (Ang 21 Sa Mga Senyales Ukol Sa Pagiging Pasaway Ng Mga Pilipino)

02/02/2013 12:07 PM

Parte na ng pagiging Pinoy ang pagsuway sa mga batas-trapiko. Bakit ganun? Of course, we’re living in a democratic country! What can you expect pa ba?

Minsan siguro e napansin (o baka pa nga ay nagawa) mo na ang mga ganitong sitwasyon sa buhay, sa ating pagmamasid sa kalye, ke gagala lang dahil wala kang magawa sa buhay mo o sadyang may lakad ka lang talaga.

21 November 2012

KKK (Kapabayaan, Kamangmangan, at Katangahan)

11/21/2012 01:20 AM 

Tama si dating Land Transportation Office (LTO) chief Alberto Suansing na 3 bagay ang kailangan ng tao para makaiwas sa mga sakuna sa kalye, lalo na yung mga sumasakay at nagmamaneho ng motorsiklo. Anu-ano ang mga ito? Disiplina, respeto at kurtesiya (o courtesy). 

Kung sa news item na binalita ni Shalala yan sa kanyang programa na Todo Bigay noong madaling araw ng Miyerkules, a-21 ng Nobyembre, taong 2012, ito ay pag-iwas sa Kapabayaan, Kamangmangan at Katangahan.

Tunog Katipunan a la “KKK” ba?

28 September 2012

ANG MAPAGHUSGANG LIPUNAN.


Sa panahon ngayon, hindi natatalab ang kasabihang “Don’t judge the book by its cover.” Bagama’t may mga matitinong kritiko naman sa mundong ito, e marami naman ang mga superficial, yung skin-deep lang ang pag-unawa. Ano ang ibig kong sabihin? Pansinin mo ang mga bagay-bagay sa lipunan, sa mga news feed mo sa Facebook, at diyan mo makikita ang mga sagot, tulag ng mga ito:

Itsura o pananamit ng tao. Sa mata ng iba, diyan mo makikita ang personalidad ng isa. Kung anong klaseng tao ka.
  • Kapag magandang lalake ka, dalawang bagay: sa matitino at sa mga babae, gwapo; at sa mata naman ng mga insecure, bakla, lalo na kung may pagkabanidoso ang mga ito.
  • Kapag hindi kaaya-aya ang panlabas na anyo, ineechepwera ng karamihan. Wala na silang pakialam kung mabait naman ang kalooban nila sa kabila ng kanilang itsura.
  • Kapag naka-make-up masyado si ate, dalawang bagay: sobrang kaartehan, o isa sa mga prosti. Yun lang ang panlaban niya kahit laspag na talaga pag nahubaran e.
  • Kapag corporate ang attire, mataas na ang katungkulan ang tingin nila sa kanya. Teka, hindi ba pwedeng uniform nila ang ganyan?
  • At kapag kulot ang buhok, parang yung usong kasabihan… salot.

Sa pagsasalita naman nalalaman din ang ugali ng isa.
  • Kung matiwasay, mahinhin ka.
  • Pero kapag balahura ang dating, e parang ganun nga.
  • Kapag may slang, sosyalera na daw o maarte.
  • Kung loudmouth masyado, parang nagger.

Kapag may kasama ka sa isang lugar, pampubliko man o bahay, may masasabi din sila depende nga lang sa mga kasama mo.
  • Kapag ang dalawang babae ay magkasama, ayos lang yan bagamat may iba diyan bumibira na “ay, sa malamang ang isa diyan ay tibo o lesbian.”
  • Kapag ang isang babae at isang lalake naman lalo na kapag magkaedad lang sila sa itsura, ang unang impresyon ng ilan? “ay, mag-syota ‘to” kahit sa totoo lang, puwedeng mag-utol o magkatropa lamang sila o kahit wala naming akto ng PDA na nagaganap.
  • Kapag dalawang lalake ang magkasama, dalawang bagay: magtropa o yung isa diyan, bakla.
  • Kapag may kasamang bata, “ay, may anak na” ang sambit nila, kahit sa totoo lang e inaanak mo lang o pamangkin o kung ano pa iyan.
  • Kapag ang isang pangit at maganda ang nagsama, “ginayuma” daw ni pangit. Ngek! Grabe naman iyan.

Sa isang simpleng post ng Facebook natutukoy din ang personalidad ng tao. At sa mga kumento ng ilan mo mahahalata kung nakakintidi ito sa binasa nilang post o hindi. Ilang bese na ko nagmamasid at ito ang mga nakita ko… kasarap lang bigwasan ang iilan.
  • Pag nagpost ang user ng isang mala-ampalayang mga salita at may babala ito, may magkukumento pa rin ng “Ang bitter mo, gago!” Ay, ang tanga lang.
  • Kapag nagpost ng isang tirada o nagaalab na saloobin ang isa, may nagkukumento ng “hoy, sino na naman ang kaaway mo?” o ‘di naman kaya ay “U MAD?” Ay, hindi! Proud ako, tanga!
  • Kapag nag-post ang isa ng isang mala-kesong linya, dalawang bagay: sweet o in love, o corny/ gasgas na. kapag maraming sinasabi, ano ka? Ernie Baron? Ang dami mong alam, dre. Sorry ha? Inggit kasi ang mangmang na tulad mo e.
  • Kapag may nilalamang maselan na salita, malibog na kaagad. Weh?
Ang mga nabanggit ko ay iilan lang sa mga bagay-bagay na naka-agaw ng pansin sa akin. Ayun pa pala, kapag napuna mo, masasabihan ka pa na “pakealamero.” Sabagay, kung may mga kapuna-punang mga bagay ba naman e. At may pagkadepende ang pagiging pakialamero at tsismoso ng isa. Siyempre, nilulugar din iyan. May mga bagay na pwedeng pansinin at may mga bagay din na off-limits na.

Sa wall photos nga lang e pag may napansin lang kukunan na kaagad ng litrato e regardless kung worth it ba ng attensyon ang bagay na iyun o hindi. At mahahalata mo din kung gaano kababaw ang panghuhusga ng ilang mga tao. Pustahan, kapag ito ay nabiktima ng ibang tao sa ganyang gawain din na tulad nila e diyan lang sila matatauhan. Nakakahiya kaya ang pagtripan ka sa social media.

Sa balita, pag nahagip ka lang ng lent eng kamera e akala ng iba laman ka na rin ng balita mismo. Yung iba nga pag nadyaryo e, akala nila masamang balita na ang kinasangkutan.

Pag na-typo ka nga lang sa ilang mga post, may mga aaribang mga “Nazi” diyan. Lalo na siguro kung palyado pa ang pag-i-Ingles mo. Grammar Nazi ang aatake sa iyo.

Sa sobrang marami ring mga perpeksyonista sa mundo, nakalimutan yata ng mga ‘to na hindi sila angat kahit ilang beses sila mamuna at makisawsaw. Yan, ang hihilig kasi makiuso e.

Marami pang mga tanong. Parang mga ito:
  • Pag may litratong magkasama, magka-date na kagad?
  • Kapag siya ang last touch, siya na kaagad ang nagnakaw?
  • Kuapag nakashoot a la Kobe moves, superstar na kagad?
  • Kapag mabilis mag-rap si Loonie na kagad?
  • Kapag mga ganitong linya, si Vice na kaagad? (Sabagay, siya ang nagpauso niyan e.)

O ewan… ang dami.

Isang bagay lang ang sigurado. Mapanghusga tayo sa sariling karapatan at pamamaraan sa ayaw o sa gusto natin. Pero pustahan ang iba, magdedeny, at yung iba na maghuhugas-kamay, mabibira pa ng “ipokrito” ng iba. ay, naku. Ayos lang maging kritiko, pero sana laliman naman natin. Hindi yung “may masabi lang.”

Author: slickmaster | Date: 08/03/2012 | Time: 09:39 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Rumorondang Kawatan

09/27/2012  09:27 PM

Baguio Herald Express
Isa sa mga bagay kung bakit tila nababalot na sa takot ang ilang mga kababayan sa ilag ng mga lugar ditto sa Kamaynilaan ay ang mga taong mapagsamantala sa kapwa. Yung mga tao na kayang tumakas ng basta-basta ang mga modus na kanilang pinagagagawa. Sila ay kilala sa terminong “riding in tandem.”

27 September 2012

Silang mga balasubas…


Tila hindi na sila mawawala sa sistema. Kumbaga sa sakit, pang-terminal na ito. Parte na kasi ito ng pang-araw-araw na buhay ng ilan. Hindi na bago ang mga pangyayari dahil noon man o ngayon, nariyan pa rin ang mga taong ito. Sa ngalan ng material na yaman, manlalamang sila, at minsan pa nga e handang makipagpatayan makuha lang ang mga bagay na tutugon sa kanilang mga halang na sikmura, isipang kinakalawang at pusong mas matigas pa sa pader na gawa sa  pinaghalong semento at bakal.

Sa kada pagkakataon ng pakikipagsaparalan ko sa lungsod, nakikita ko ang mga ito. Akala mo mga patpating tambay, yun pala ay magnanakaw ng pitaka. Sa kalye man o sa mala-Sardinas na pampasaherong sasakyan, umaatake sila nang hindi mo nalalaman. At ika nga ng kasabihan, “malalaman mo lang ang halaga ang isang bagay kapag wala na ito…” sa tabi mo. As in literal.

At sa gabi naman, ang akala mong simpleng madilim na espasyo, may kahiwagaang nagaganap. Dalawang bagay lang, may naglalampungang mga puta o may tumitimbreng kawatan. Mga nag-aantay na may mabiktima. Kapag pumalag, patay na kung patay. Parang hindi man lang naisip ng mga ito kung gaano kahirap ang bumuhay ng isang tao tapos kikitilan na lang sa isang iglap gamit ang makalawang na lanseta o ng tinggang may pulbura.

Sa kabilang dako naman, malulutong na murahan ang eksena. May kamuntikan na magbanggaan kasi na mga sasakyan sa isang interseksyon doon. Hindi pa nakuntento, nagmaanagas pa ang parehong kanto sa gitna ng kalye. Ay, kasarap sagasaaan ang mga bwakananginang mga ‘to. Pwede bang magsitabi kayo? Hindi lang kayo ang hari ng kalsada, alam nyo po.

Sa simpleng pagpila nga lang e pakapalan na ng mukha, makasingit lang. Kapag sinita mo, wala! Babaligtarin ka pa. Ikaw pa ang maeechepwera. Mas makapal pa sa isang ream ng papel ang mga pangit na pagmumukha nila.

Yung mga taong gumagawa ng tama sa lipunan ngayon, ewan ko kung bakit pa sila pa ang mas naagrabyado? Kung bakit sila pa ang mas hindi nagagantimpalaan? Ang simpleng pamamaraan yata na magsabi nga lang ng katotohanan e pinapatay na, kung hindi man e hinaharass. At ang mga tumatanggap ng lagay dyan e sila pa ang mas nangingibabaw. Sabagay, pera-perahan e. Samahan mo pa ng palakasan sa tao. Ang magandang budhi sa panloob at panlabas na anyo? Asus, asa.

Kaya minsan, hindi ko masisisi ang mga taong pumili na tumahimik na lang at maging pipi’t bulag na saksi sa mga kaganapan. Mga lumugar sa “walang pakialam,” kahit ang ilan sa kanila ay ilang beses na binabastos, sa likuran man o harap-harapang ginagawa.

Ang buhay kasi ng isang tao ngayon ay nakadepende na sa diskarte nito. Kapag wala siya nito, ano na lang ang kakainin niya pagdating na lang ng dapit-hapon?

Author: slickmaster | Date: 09/27/2012 | Time: 10:23 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

21 September 2012

40 Years After Martial Law…

09/21/2012 12:27 AM


September 21, 1972. Araw ng Huwebes. Sa bisa ng Proclamation #1081, idineklara ng Pangulo noon ng Pilipinas na si Ferdinad Edralin Marcos ang Martial Law. Ang pinakapangunahing dahilan sa pagdeklara nito ay ang labis na karahasang nagaganap sa kanyang panunungkulan. Ayon naman sa ilang mga kritiko niya, ito ay naisabatas para magtagal siya sa kanyang kapangyarihan. Tuluyang naimplementa ang batas-militar nang alas-9 ng gabi ng Setyembre 22, araw ng Biyernes; at inanunsiyo niya ito sa lahat ng istasyon ng radio at telebisyon na umeere sa buong bansa sa oras na alas-7:30 ng gabi noong Sabado, a-23 ng Setyembre, 1972.

13 August 2012

Ang Lipunan at ang Lotto.

Ito ay base lamang sa obserbasyon ko habang inuutusan ng ermat ko na tumaya ng lotto.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin nito, pero nasa pagtaya ng lotto sumasalamin ang halos lahat ng klase ng tao. Depende sa pagdiskarte at ugali nito. Obviously, may mga matitino, at meron ding mga asal-gago.

Wala itong pinagkaiba sa mga sitwasyong tulad ng mga estudyanteng nagkukumahog sa pagreresearch para makasagot lang sa kanilang mga takdang aralin, sa mga player ng basketball kung paano makahanap ng mga plays o stratehiya para makaiskor lang sa laro, o ultimo ang mga lalakeng nagkakandarapa kung paano didiskartehan ang isang astig na tsikababe sa kabilang table sa isang gimikan. Sa madaling salita, ang mundong ito ay isang malaking kumpetisyon, at lahat tayo ay magkakakumpetensiya sa ilang mga bagay na pinaglalabanan talaga.

Sa pila ng lotto, makikita mo kung sino ang disiplinado, yung nasa pila palagi, nasa ayos at may haba ng pasensya na maghintay para sa kanyang turn para ipusta ang kanyang taya. At pagdating sa harap ng teller kung matiwasay ba ang kanyang pakikisalamuha sa kaniyang mga transaksyon.

Sa pagtaya makikita mo ang ilang natutuliro. Nag-aalangan sa mga taya. O yung mga tayong may sobra-sobrang planong pang back-up. Kaya kaming mga nasa likuran niya, inaabot naman ng siyam-siyam. Parang ganito…

Teller: Sold out na po ang taya niyo sir.
Customer: ah, 6-2.
T: Sold out din. Sorry.
C: Ahm… teka… (after 20 seconds na yata) ito, 9-5.
T: Sold out din po.
C: (and so on, and so forth)

Yung iba, hindi naman pahabol sa kanilang mga transaksyon, nagagawa pang manggulang at sumingit sa pila. Pero kapag umalma ka sa kanilang ginawa. Pambihira naman oh.

At yung iba, hindi ko alam kung may pagak-ignorante ab o ano. Kung first timer, baka maunawaan pa namin yan. Pero kung lagi naman na. Aba, teka lang, boss, mawalang galang po. Alam mon na may card, alam mo naman pung paanomarkahan yan. May panuto na nga na nakapasil dyan. Pero hindi mo pa rin ginagamit yan. Ay sows!

Pero… pagbigyan natin kung hindi talaga marunong. Pero alam mo, dapat din siya matuto e.

Uulitin ko: sumasalamin sa iba’t ibang klase ng antas ng tao base sa ugali at diskarte ang mga bagay tulad ng pagpila at pagtaya sa lotto. Kaya bago mo hilingin na sana manalo ka, ayusin mo na ang diskarte mo.

Author: slickmaster | date: 07/24/2012 | time: 03:46 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

07 May 2012

Disiplina vs. Demokrasya

05/07/2012 12:32 PM



Minsan naisip ko ito: "Ang kalaban ng DISIPLINA ay ang DEMOKRASYA." 

Bakit? Ewan ko. Napakakumplikadong suliranin lang naman. Dulot ng magulong sistema, at sobrang layang mga mamamayanan. Hindi matantsya kung saan sasakto sana ang lahat para tumino naman tayo.