12:47 PM | 01/09/2012
Hindi ako isang love expert, bagamat alam ko na natural na
sa isang relasyon ang nagkakaroon ng away. Pero moderation lang ha? Ang sobra
pa naman na ay nakakasama. Lalo na kung ang salita na lagi mong binibitawan pag
hindi niyo kaharap ang isa’t isa ay ang tinatwag na “panunumbat.” Wala itong
pinagkaiba sa tinatawag na “backstab” na kadalasan ay ginagawa ng isang tao sa
taong kinaiinisan lang niya, mortal na kaaway o kahit sa kaibigan lang pag
nabadtrip siya.
Pero isa sa mga karaniwang kamalian ng tao pagdating sa away
ay ang pagbibitaw ng mga bagay na as if na sila lang ang may nagawang matino sa
pagsasama nila. Wag naman ganun, mga ‘tol. Ano kayo, Diyos? O superior? Dapat
ba e ikaw lagi ang nagingibabaw sa relasyon niyong dalawa? E nagsama pa kayo
kung ganun lang. Alalahanin niyo na “give and take” palagi ang isang
relationship. At ang mga under de saya na yan? Mukha nyo! Pauso lang yan.
Madalas ko na itong napapansin sa mga babae kapag nag-oopen
sila ng mga problema sa pag-ibig. Bagamat may mga lalake rin naman na
nakararanas ng ganito. Ke siya lang daw ang gumagawa ng way para gawin ang
ganito, ayusin ang ganiyan… anak ng pating naman oh. *sabay hampas ng kamay sa
lamesa*
Kaya here’s a piece of unsolicited advice para sa mga taong
mahihilig magdrama sa harap ng mga kaibigan nila dahil sa nag-away lang sila ng
kanilang mga girlfriend o boyfriend . Bago kayo magbitaw ng mga tinatawag na
"sumbat" sa partner niyo, gawin muna ang mga ito sa inyong mga sarili: