Punyemas. Maraming bagay pa ang dapat na pagtalunan. Usapin
sa mga nangyayari sa bansa, desisyon sa pamilya, pagresolba sa mga sigalot sa
komunidad, utang ng kamag-anak… pero pagdating sa mga suliranin sa relasyon?
Kung sino ang manloloko, kung lalake ba o babae? Kung sino ang maarte, madalas
nagbibigay-daan? Nagpaparaya? Mang-aagaw? Aba ,
utang na loob naman. Magsiawat nga kayo, ano po?!
Since time in memorial pa yata ang isyung ito. Hindi na
mamatay-matay, lalo na ang dami nang nagiging mapusok sa salitang “pag-ibig,” e
hindi rin naman ganap na naiintindihan ang mga bagay-bagay sa isang relasyon.
Dapat yata malaman ng mga putok sa buhong ito na sa malamang, maraming
pagkakaiba ang lalake at babae, hitsura man o pag-uugali. May mga kanya-kanyang
kakayahan sila Adan at Eba. Bagay na hindi kayang gawin ng mga babae ang
ginagawa ng mga lalake at may mga bagay na kayang gawin ng lalake ang mga
ginagawa ng babae.