8/25/2014 3:48:17 PM
Kamakailanlang (actually, sa mga nakalipas na mga buwan) ay
naglipana ang mga video na naglalaman ng mga marriage proposals. At mas
dumarami pa yan dahil sa mga sikat na artista mismo ang nagpopropose nito.
O tapos, ano na? Maliban sa naging laman ito ng mga
mainstream news outlet, ano naman ngayon kung nag-propose na siya sa kanya? Ano
naman ngayon kung na-engage na sila, at magpapakasal na sa mga susunod na
buwan/taon/dekada/linggo/araw/oras o ni ultimo minuto?
Hindi naman sa pambabasag ng trip, ano po? Pero sobra na rin
kasing nakakaurat ang mga ganyang talakyan eh. At alam ko, mas prefer naman ito
ng mga tao kesa naman sa walang katapusang pork barrel scam, at kung anu-anong
pautot sa showbiz—sa madaling sabi, nakakagago lang.