Showing posts with label mindset. Show all posts
Showing posts with label mindset. Show all posts

19 November 2014

Victim Mentality and Telenovela Syndrome

8/13/2013 5:26:29 PM

Hindi ako isang tao na maalam sa behavior ng tao. Pero kahit sikolohikal pa ang talakayan, hindi makakaila na madalas itong makikita sa ating lipunan. Ang mentalidad ng isang “biktima.”

Mas kilala bilang inaapi, o underdog, ang isa sa mga mindset nating mga Pinoy ay ang tinatawag na “victim mentality.” Ayon sa isang blog na aking nabsasa sa mga website ng Get Real Philippines at Definitely Filipino, dito tayo magagaling… sa pag-aarte bilang mga biktima. Parang mga paborito nating bida sa mga telenovela.

Bakit ganun? Dahil likas sa atin ang pagiging emoyonal at sensitibo. Pansinin mo, mas madalas mo mapapansin ang mga ito pag nanunood ka ng mga ganun palabas. Laging inaapi, laging sinasaktan. Palaging umiiyak (siyempre, ano ba naman ang drama kung hindi iiyak ang bida ‘di ba?), palaging nanunumpa (i.e., “balang araw, ako ang mananaig.” “bukas, luluhod sa akin ang mga tala. Babangon ako at dudurugin kita.”)

11 February 2013

Positive lang.


11:39 AM | 02/11/2013

psyblogger.com
(Maliban sa mga usaping tulad ng pregnancy test, ha?)

Hindi ako isang sikolohista o ni isang eksperto sa anumang larangan. Bagkus ay ang mga ilalahad ko lang dito ay resulta ng aking obrserbasyon sa lipunan at sa tingin ko ay ang aking posibleng maiambag o maitulong sa sinumang magbabasa nito.

Sa lipunan na kung saan ay naglipana na ang mga negatibong bagay at ideya, isang bagay lang ang tila gamot sa sakit o ang solusyon sa mga nagbabagang hinaing. Ang maging positibo ang pananaw sa buhay. Yan ay kahit sa kabila ng mga hindi magagndang nangyari sa ating buhay.

Sabagay, ito ang kailangan ng tao lalo na kung lagi niyang nararanasan ang mga ito.

03 January 2013

Nakakabobo.


10:22 a.m. 01/03/2013

Ang blog na ito ay may halaw na konspeto at inspirasyon sa kantang “Bobo Song” ni Marlon “Loonie” Peroramas.

Sadya bang ganito na ang panahon ngayon? Ang daming saliwa. Mga bagay na nakikita ay sobrang taliwas sa mga bagay na minimithi ng bawat isa? Kada araw na lang, paulit-ulit na... kaya ayun, nakakabobo na nga.

18 December 2012

The end? WEH.


Sinasabi na sa Disyembre 21, 2012 magkakaroon ng mala-apokaliptong kaganapan sa mundo. Kung iba ang tatanungin, magugunaw daw ang mundo.

Hmmm.... ano na namang kabalbalan ito?

Kabalbalan ba kamo? May mga patunay raw, na base sa siyensa at relihiyon.

18 October 2012

Walang Masama Sa Pagiging SINGLE

10/18/2012 12:28 AM

Oo nga naman. Walang masama dun. And same goes sa iba pang mga relationship status basta wala kang ginugulong ibang tao. Single man, taken, it’s complicated, o kung ano pa man iyan.

At teka nga: 

Sino bang herodes na nagpauso ng isang maruming kaisipan na laging hilig tirahin ang mga taong pinili ang maging single?

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.