03/31/2012 09:30 AM
Actually, parang mali nga yung term na “pagkawala.” E di let’s say pagka-suspend (or pag-adjourn, rather) ng trial. Problema ba yan? Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ko napag-isipan na isulat ito. E hindi naman ako pala-tutok palagi sa impeachment trial. In fact, sa mga newscasts lang ako nakakakuha ng mga update, samantalang maraming available dyan sa free tv ng mga coverage ukol sa pag-i-impeach sa punong mahistrado ng Korte Suprema na si Renatio Corona. Sabagay, nung una kong pinanood ko ang mga yun, most of the times nung coverage e parang ang boring naman. Pero may pagkakataon talaga na parang mabubulatlat na lang ng bunganga ko na “ay, mali ako.” May exciting part din pala, at hindi ko tinutukoy ditto ang mga paglantad ng mga testigo, mga ebidensya, at kung ano pa.
Minsan ako nagpost sa account ko sa Facebook ng 5 bagay na mamimiss ko sa pag-adjourn ng impeachment trail ni Chief Justice Renato Corona. Buti na lang, naretrieve ko ang mga yun. Pero hindi ko na lang gagawan ng pamagat na “5” dahil may mga honorable mention e (besides, parang iilan lang naman yata talaga ang mas madalas kong nakikita). Pero same idea pa rin e. ewan ko mga tol, pakiwari ko lang yan, ha?