Minsan kong narinig ang isang kasabihan na ito kay Papa Jack nung minsan ako nakinig ng kanyang True Love Conversation sa 90.7 Love Radio noong 2009: “Maraming mga taong nag-aaway at relasyong nasisira nang dahil sa dalagang nagngangalang MISS-COMMUNICATION (MISCOMMUNICATION).”
Medyo nakakatawa din, pero kahit papano, matindi rin ang patama e. OO nga naman.kapag hindi nagkaintindihan ng mensahe ang isa sa inyo, aasahan mo ba na hindi magkakaroon ng ‘di pag-kakaunawaan? Lalo na kung makitid pa ang kamalayan ng isa sa inyo? Delikado iyan.
Sa basketball nga pag nagkaroon kayo ng isang miscommunication sa isang play, malaking pagkakamali na iyun, lalo na kapag crunch time. Ganun din sa ibang sports, at pati sa ibang aspeto ng buhay natin.
Kapag hindi ka tumupad sa usapan nang walang pasintabi kahit sa text man lang, aasahan mo bang magiging ok pa kayong dalawa? Swerte mo kung ganoon pa ang mangyayari, kung maiintindihan niya ang iyong mga dahilan. Pero paano kung hindi o wala na sa tamang lohika ang eksplanasyon? Patay.