8/3/2013 12:05:34 PM
Kung may downside man ang kasalukuyang kalakaran ng media sa
Pilipinas, meron din naman itong upside. – yan ay ang pagsulputan ng mga local
news channel sa free TV.
Dati kasi, sa cable ka lang makakakita nito. Kung Sky Cable
subscriber ka, malamang, alam mo na ang
ABS-CBN News Channel at DZMM Teleradyo ay ang counterpart ng BBC, CNN, o ultimo
ang Blomberg. Sa ibang cable companies ay may sariling atin na channel na
pambalitaan din – ang RH TV.
Pero dito sa free TV subscribers tulad ng inyong lingkod,
hindi lang isa kundi 3 pa ang mga ‘to. At ang dalawa sa kanila ay unang
sumulpot nitong Pebrero 2011. naalala ko pa ‘to nun dahil pag wala akong pasok
sa eskwelahan nun, nakatambay lang ako sa bahay at ito ang madalas na
tinatangkilik ko.