4/17/2014 12:07:02 PM
Ibang-iba na talaga ang panahon. Parang kailan lang… Pasko,
Bagong Taon, Valentine’s Day, Ash Wednesday at Graduation Day mo, no? Ngayon,
panahon na naman ng katahimikan. Tila paglukuksa ba? Di naman siguro. Pero
kakaiba kasi sa tipikal na araw at holiday ang tinatawag na “semana santa.”
Oo, semana santa. Ang panahon kung kelan biglang nagpapakatino
ang karamihan, partikular ang mga Katoliko. Ang panahon kung kelan tahimik ang
iyong radyo. Kung bakit sarado ang inyong paboritong mall. Kung bakit bigla
kang walang pasok mula sa iyong trabaho at summer classes.