Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label ninong. Show all posts
Showing posts with label ninong. Show all posts

21 December 2023

PAALALA SA MAGULANG NG MGA INAANAK

12/21/2023 03:48:47 PM

Iba na talaga ang panahon ngayon. Dati, pinagalitan natin yung mga tao na halos kalalagpas pa lang sa pagiging paslit ay demanding na materyalistik na sila. O minsan pa nga, gusto ay 'cash lang' ang matanggap na pamasko.

26 December 2013

Paalala Sa Mga Inaanak (v. 2013)

12/25/2013 8:23:16 PM

Next year, pakisabihan nga ang mga magulang niyo na tawagin kaming "ninong" kahit hindi araw ng Pasko ha? HINDI yung tatawagin kang "tito" pag ordinaryong araw lang, tapos kapag December 25 na, "NINONG! Pamasko ko?" ang isusumbat, ni hindi pa nga kayo tinuruan kung paano ang tamang pagmamano eh.

24 December 2012

PAALALA SA MGA INAANAK.

12/24/2012, 05:34 p.m.

“Paalala sa mga inaanak, HINDI PO KAMI NAGTATAE NG PERA AT NG ANUMANG MATERYAL NA BAGAY. Mag-ipon kayo ng karunungan, mag-aral ng mabuti at tigil-tigilan ang pakikipaglandian at ultimo ang pagiging ambisyosa’t ambisyoso na maka-iskor ng mga bagay na tulad ng iPad at mamahaling cellphone mula sa amin. Ang hirap na nga mamuhay, magpapaka-sosyal pa kayo d’yan!”

Una ko itong ipinaskil bilang isa sa aking hindi mabilang na mga status sa Facebook. Pero itutuloy ko na ito bilang isa sa aking natatanging blog post ngayon Pasko.

Hindi sa pambabasag ng trip o sa pagiging “scrooge”, ha? (kasi malamang, kapos sa pag-unawa lang ang magsasabi ng mga yun) Alam ko, namuhay rin ako sa panahon na nakakatanggap ako ng magagarbong laruan noong bata pa ako. Ang pera, makukunsidera pa.