2:14:52 PM
| 5/23/2013 | Thursday
2013 na
nga, pero sarap balikan ang panahon no? Akala mo twing Miyerkules, Biyernes,
Sabado at Linggo ka lang makakapagsenti ukol sa mga old school na bagay? Akala ko
rin e.
Isa akong
batang 90s, kaya huwag ka nang magtaka kung ilang taon na ako. Pero sa halip na
makiuso ako sa mga nauusong bagay ngayon. Mas nasasarapan pa kong tanawin ang alaala
ng nakaraan, noong panahon na marami pang sitcom sa gabi kesa sa telenobela, na
ang Fiesta carnival ang pinakamalapit na aliwan, at ang palabas sa COD Cubao
ang pinakacheapest form ng quality entertainment (yan ay kung wala ka pang
pang-sine pag Christmas). Walang digicam, modernong cellphone noon at ang
Beeper, Tamagotchi at Viewmaster pa ang mga gadget nun. Wala pang mp3 at DVD at
ang Betamax, Cassette Tape at ultimo ang Laser Disc pa ang mga patok na bagay
noon. Pero buti na lang, narito pa rin sila. At kung wala man, may mga litrato
pa rin na pwedeng ipaskil sa Facebook at sabihing “buti na lang, naabutan ko
ang mga ‘to.”
O minsa'y
mas okay pang magbalik-tanaw sa mga video ng palabas na napapanood mo nun (pati
ultimo ang mga commercial) sabay i-tweet sa Twitter na may hashtag na “#ThrowbackThursday.”