Mahirap sabihin kung kelan nagiging hindi
tama ang pagmamahal. Kung kelan tayo sumosobra. Tumataliwas kasi yan sa
kasabihan ng mga tipikal na tao na “walang mali sa pagmamahal.” Actually, kahit
sa maniwala tayo o sa hindi, meron pa rin. Kung papansinin mo ang mga
pangyayari sa mga nakapaligid sa iyo. Kailan pa naging tama ang pag-awayan ang
mga bagay na napakababaw lang kung tutuusin. Kalian pa naging ok sa ating
kamalayan ang pumatay ng tao nang dahil sa selos?
At pa’no, hindi naman kasi tayo makikinig
sa payo ng iba pag nasa ganyang estado tayo e. Aminin niyo. Kahit tumawag ka pa
kay Papa Jack, e sigurado ka bang magiging ok ka ba kinabukasan, o di naman
kaya sa mga susunod na araw? Hindi garantiya, di ba?
Minsan ako nakipag-usap sa isang tropa ko
na graduate sa sikolohiya. Tinanong ko siya sa mga bagay-bagay na tila anong
pagkakaiba ng love sa obsession. Pero mahirap kasing tantiyahin e. Ayon sa
kanya, unconsciously mo kasing mararamdaman yan. Yan yung tipong sa tindi ng
pagmamahal mo e parang gusto mo na makontrol ang tao base sa gusto mo, at kahit
taliwas ito sa mga gusto niya. Kaya hindi na rin ako magtataka kung minsan ang
magsyota sa paligid e kung magtawagan akala mo mag-asawa na, kahit sa totoo
lang naaalibadbaran ako sa mga ganung kataga. Wala sa akmang timing e. Pero
sorry na lang ako, walang basagan ng trip kasi, slick!
Sabagay, minsan ako nakinig sa DJ ng isang
istasyon ng radio, at pagnagmamahal ka daw e tila nawawala ang iyong sariling
identity. May punto din siya. Nagshe-share ka pag ganun e. O minsan pa nga,
ikaw mismo ang mag-gigive way para sa kagustuhan ng partner mo.
Kaya siguro nauso ang pangingialam ng
wallet, cellphone, e-mail, Facebook account at iba pang mga bagay-bagay na
pagmamay-ari ng mga kasintahan nila, no?