Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Alam ko na likas sa atin ang mahilig
makialam sa buhay ng ibang tao. Yun nga lang, nilulugar ang mga yan, lalo na sa
isa sa mga pinkapaboritong estado ng ating buhay – ang lovelife.
Tawagin mo na kong pathetic o anit-romantikong tao, pero may dahilan kung bakit ganun ang pananaw ko. Naniniwala naman ako sa pag-ibig. Yun nga lang, ang mali ay mali at hindi pwedeng maging tama, at hindi pwedeng gawing excuse ang pagkabulag-bulagan sa pag-ibig.
At lalong hindi ako love guru. Pero sa totoo lang, parang katulad lang 'to ng mga sinusulat ko ukol sa mga ganitong paksa e. katulad nito: Ilang beses ko nang nababasa ang mga kataganag tulad nito.
"magkakamatayan tayo pag nilandi mo siya."
Hindi man sa eksaktong paglalarawan yan, pero sa totoo lang, wala kang karapatan na kitilan ang buhay niya, o kahit sinumang kapwa mo dito sa mundong ibabaw. Bago ka mag-angas dyan, ba, e bakit?