Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label person. Show all posts
Showing posts with label person. Show all posts

11 February 2013

Positive lang.


11:39 AM | 02/11/2013

psyblogger.com
(Maliban sa mga usaping tulad ng pregnancy test, ha?)

Hindi ako isang sikolohista o ni isang eksperto sa anumang larangan. Bagkus ay ang mga ilalahad ko lang dito ay resulta ng aking obrserbasyon sa lipunan at sa tingin ko ay ang aking posibleng maiambag o maitulong sa sinumang magbabasa nito.

Sa lipunan na kung saan ay naglipana na ang mga negatibong bagay at ideya, isang bagay lang ang tila gamot sa sakit o ang solusyon sa mga nagbabagang hinaing. Ang maging positibo ang pananaw sa buhay. Yan ay kahit sa kabila ng mga hindi magagndang nangyari sa ating buhay.

Sabagay, ito ang kailangan ng tao lalo na kung lagi niyang nararanasan ang mga ito.

27 December 2012

Inside the mind of a straight-forward guy.

Sa panahon na marami na ang abusadong nilalang sa kanilang mababait na kapwa, mga tulad ko na lang yata ang tanging makakatapat sa mga ito. Oo…

“’di bale nang masungit o suplado, kesa naman sa laging inaabuso o naaagrabyado.”

Parang mas okay pa ang maging prangkang nilalang, straightforward, maangas na kala mo ay isang siga kesa sa pagiging anghel palagi (yung tipong “hindi makabasag-pinggan” ba),  o kung sa mata ng mga romantiko e “gentleman,” at underdog ang effect. At by the way, hindi ito usapin ng pagkakaroon ng “pleasing personality,” ha? Iba yun.

Bakit kanyo? Simple lang.

19 November 2012

Silang mga KENKOY.

11/19/2012 09:57 AM
“Hoy, hoy, hoy! Mister Kenkoy, bakit ka nangangamoy? Hoy, hoy, hoy, Mister Kenkoy! Ikaw ay nangangamoy kenkoy!”
Ang nasabing linya ay halaw mula sa (circa) 1976 na kanta ni Mike Hanopol - ang “Mr. Kenkoy.” Lumabas ito sa kanyang iba’t ibang mga compilation of hits album.
Isang kanta na sumasalamin sa kabulukan ng isang tao sa kanyang lipunang ginagalawan. Halaw sa impluwensya ng isang komikal na tauhan sa pahayagan ang salitang “Kenkoy.”

31 October 2012

You Only Live Once.


You only live once, ika nga ng acronym na YOLO, isa sa mga naging trending na salita sa taong ito. Pero hindi ito usapin ng isang pausong nakakabobo. Parang kahit papaano pa nga ang mga ganitong kataga kesa sa mga jeskeng PBB teens, epic fail, o kung ano pa man iyan. Pero minsan nga lang ay annoying ang approach. YOLO?!

As in literal.