Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label plagiarism. Show all posts
Showing posts with label plagiarism. Show all posts

16 October 2013

Shoot, Upload, and Copy-Paste

10/12/2013 12:42:33 PM

Kamakailanlang, umalingangaw na naman ang balitang may kinalaman sa plagiarism. At hindi ito usapin ng copy-paste ng artikulo o talumpati na ginawa ng isang senador noong nakaraang taon, ha? Ang tinutukoy ko sa puntong ito ay ang pag-nakaw diumano at pag-angkin ng isang “scholar” ng mga litrato na sinasali niya sa mga patimpalak.

Matapos pumutok ang isyu ng pag-plagiarize ni Marc Joseph Solis sa isang litrato (na nanalo pa) bilang entry niya sa Smiles For The World Competition, ay nabuklat din ang kasaysayan ng kanyang gawain. Aniya, lumahok ang naturang Public Administration graduate sa 7 photo contests, at 3 sa mga ito ay nakakuha siya ng mga parangal. Hindi para sa best plagiarizer ha? Kundi sa pagkapanalo.

Tama. Pitong patimpalak at pitong nakaw na litrato. Nakagugulat ba? Ayon yan sa fact-finding committee na binuo kasunod ng nasabing insidente na ikinasangkutan ng isa sa kanilang mga “iskolar.” Sabi ng dean ng UP National College for Public Administration (NCPAG) yan: “He submitted pictures that were not his despite the rules of the contests that the person should be submitting original work.”**

01 October 2012

e-Kopyahan

Minsan, naisip ko na lang na ang mundo ay parang isang malaking photocopy machine. Kung gusto mo branded, e ‘di Xerox.

Unless kung sadyang malikhain ka talaga, gawain na natin ang pagkopya ever since. Sa mga singing contest, madalas ay mga kanta ng mga tanyag na mga mang-aawit ang nagiging piyesa. Sa sayaw, may mga steps na halaw mula sa choreographer o sa mga napaglumaan na. Ang ilang mga konsepto ng palabas sa telebisyon ay minsan, may pagak-halaw din sa ibang mga programa. Minsan nga, pati mga promotional materials gaya ng poster o yung pattern ng mga plot ng kwento. Hmm… may mga franchise shows nga e.

Pero kahit papaano ay may pagkakahalintulad ang mga ilan sa nabanggit. Kikinikilala nila kung kanino galing ito. Binibigyan ng due credit. Oo nga naman, hindi mo magagawa iyan kung hindi dahil sa kanila. Hindi nila ipinagyayabang na sa kanila ito ng buong buo. Minsan, mas okay pa nga yung mga aminadong nangongopya kesa sa mga tao na “original” kuno. Sinong niloko mo?