9:08:48 AM | 3/23/2013
Ang daming balita na dapat ibalita sa radyo at TV. Ang
daming mga pangyayari na dapat bigyang pansin. Ang daming mga sigalot sa
lipunan ang dapat masolusyunan. At sa lahat-lahat ng mga istorya na umiikot sa
nakalipas na mga araw, bakit ito pa? Ang conflict sa dating mag-asawa? Ang isa
ay sikat na basketbolista at ang isa nama’y sikat na personalidad sa
tinaguriang “fourth estate.” Ang isa na sumikat sa larangan ng palakasan sa
kanyang sariling pagsisikap at ang isa nama’y pinasok ang mundo ng artista
kahit siya ay anak ng isang dating senador at isang dating pangulo?