05/14/2016 10:20:51 AM
O, ayan, tapos na ang araw na kinapananabikan natin. Minsan laang mangyari sa tatlo at anim na taon ito, kaya sino ba naman ang hindi makapagpiligil na bumira mula sa kanilang hanging-lamang isip at bugso ng damdamin, 'di ba?
Tapos na ang araw kung saan bawat isa sa atin (as long as rehistrado tayo para sa proseso na ito) ay pipili ng ihahalal natin sa pamahalaan. Tapos na ang panahon na halos bawat sin sa atin ay may sey sa isyu ng pamumulitika sa bansa. Tapos na rin ang panahon na pumanig tayo sa kung sinu-sino na para bang dating slogan ng PBA. (Sa'n ka? Kampihan na!)
In short, tapos na ang eleksyon.
Ngayon, ano na?! Tapos na rin ba talaga tayo na para bang relasyong romansa espesyal o summer love? Or summer job?