Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label problema. Show all posts
Showing posts with label problema. Show all posts

20 November 2013

Anong Pinaglalaban Mo?

7/26/2013 5:36:01 PM

Ito lang ang hindi ko maintindihan. Ang daming problema ng Pilipinasna sinosolusyunan at patuloy pa ring sinosolusyunan ng ating pamahalaan. Pero ilang administrasyon na ang nagdaan, bumuti naman ang mga bagay na tila wala nang lunas noon, pero bakit nagngangaw pa rin ang mga ‘to?

19 July 2013

Batas Versus Human Rights?

7/19/2013 | 8:00:00 PM | Friday

Minsan, natatanong ko na nga lang ito sa sarili ko: “Talaga bang magkakontrapelo ang batas at karapantang pantao sa ating lipunan?”

16 February 2013

Ang Pakikipagsapalaran ni Calvin Baterna sa Lansangan. EPISODE 1.

07:47 PM | 02/16/2013

Si Calvin Baterna, 9 anyos, may katangkaran ang itsura pero patpatin. Hindi mo siya makikitaan sa itsura ng isang bully. In fact, parang ngang hindi siya makabasag ng pinggan e. At ang kanyang nickname ay “bakal” at “batas.” May tirahan siya pero madalas sa bawat araw e namumuhay siya sa isang sulok ng kanto sa Maynila. As in doon siya tumatambay, nanonood ng TV sa tapat ng kapitbahay, kasama ang mga kapwa tambay, at kahit nag-aaral. Namulat siya sa mga makamundong bagay na nakikita niya sa kalye. Mga taong nakikipagbangayan sa isa’t-isa, mga taong mali-mali na nga asal e lulusot pa sa kanilang mga kalokohan, pagkalap ng tsismis, mga kapwa niyang bata na nagiging tambay at kawatan na lang porket lagi silang nabubungangaan at naabuso ng kanilang mga nakatatanda.

Pero pinili pa rin ni Calvin ang maging matino sa kabila ng lahat. Natuto siyang maging mabuting nilalang sa tulong ng kanyang pag-aaral sa eskwela. Sumunod sa utos ng magulang kahit lagi siyang nasisigawan (dahil nga sa hirap ng katayuan niya sa buhay), magdasal ng mataimtim. Actualy, halos matinong bata naman siya e.

Pero kung may bagay siya na natutunan niya sa kanyang mga kabaro at kaedad – yun ay ang umasta na parang siga. Bagay na lagi namang kinokontra ng nanay niya, ke wala pa siya sae dad para umasta na parang ang nagas niya. Hindi na lang nagsasalita si Calvin pero tinutloy-tuloy niya ang kanyang pag-aangas sa kalye basta nasa tama siya, tulad ng isang sitwasyon na ito.

27 September 2012

Silang mga balasubas…


Tila hindi na sila mawawala sa sistema. Kumbaga sa sakit, pang-terminal na ito. Parte na kasi ito ng pang-araw-araw na buhay ng ilan. Hindi na bago ang mga pangyayari dahil noon man o ngayon, nariyan pa rin ang mga taong ito. Sa ngalan ng material na yaman, manlalamang sila, at minsan pa nga e handang makipagpatayan makuha lang ang mga bagay na tutugon sa kanilang mga halang na sikmura, isipang kinakalawang at pusong mas matigas pa sa pader na gawa sa  pinaghalong semento at bakal.

Sa kada pagkakataon ng pakikipagsaparalan ko sa lungsod, nakikita ko ang mga ito. Akala mo mga patpating tambay, yun pala ay magnanakaw ng pitaka. Sa kalye man o sa mala-Sardinas na pampasaherong sasakyan, umaatake sila nang hindi mo nalalaman. At ika nga ng kasabihan, “malalaman mo lang ang halaga ang isang bagay kapag wala na ito…” sa tabi mo. As in literal.

At sa gabi naman, ang akala mong simpleng madilim na espasyo, may kahiwagaang nagaganap. Dalawang bagay lang, may naglalampungang mga puta o may tumitimbreng kawatan. Mga nag-aantay na may mabiktima. Kapag pumalag, patay na kung patay. Parang hindi man lang naisip ng mga ito kung gaano kahirap ang bumuhay ng isang tao tapos kikitilan na lang sa isang iglap gamit ang makalawang na lanseta o ng tinggang may pulbura.

Sa kabilang dako naman, malulutong na murahan ang eksena. May kamuntikan na magbanggaan kasi na mga sasakyan sa isang interseksyon doon. Hindi pa nakuntento, nagmaanagas pa ang parehong kanto sa gitna ng kalye. Ay, kasarap sagasaaan ang mga bwakananginang mga ‘to. Pwede bang magsitabi kayo? Hindi lang kayo ang hari ng kalsada, alam nyo po.

Sa simpleng pagpila nga lang e pakapalan na ng mukha, makasingit lang. Kapag sinita mo, wala! Babaligtarin ka pa. Ikaw pa ang maeechepwera. Mas makapal pa sa isang ream ng papel ang mga pangit na pagmumukha nila.

Yung mga taong gumagawa ng tama sa lipunan ngayon, ewan ko kung bakit pa sila pa ang mas naagrabyado? Kung bakit sila pa ang mas hindi nagagantimpalaan? Ang simpleng pamamaraan yata na magsabi nga lang ng katotohanan e pinapatay na, kung hindi man e hinaharass. At ang mga tumatanggap ng lagay dyan e sila pa ang mas nangingibabaw. Sabagay, pera-perahan e. Samahan mo pa ng palakasan sa tao. Ang magandang budhi sa panloob at panlabas na anyo? Asus, asa.

Kaya minsan, hindi ko masisisi ang mga taong pumili na tumahimik na lang at maging pipi’t bulag na saksi sa mga kaganapan. Mga lumugar sa “walang pakialam,” kahit ang ilan sa kanila ay ilang beses na binabastos, sa likuran man o harap-harapang ginagawa.

Ang buhay kasi ng isang tao ngayon ay nakadepende na sa diskarte nito. Kapag wala siya nito, ano na lang ang kakainin niya pagdating na lang ng dapit-hapon?

Author: slickmaster | Date: 09/27/2012 | Time: 10:23 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions