10/20/2012 01:33 PM
Matagal-tagal rin mula noong huling napadpad ako sa lugar na
ito. Ang probinsayng kinalakihan ng erpat ko. Cuyapo, Nueva Ecija, sa may 172
kilometro hilaga mula sa pinakasentro ng buong malaking pulo ng Luzon. Dito ako
madalas napapadpad pag pumupunta ako sa bandang Norte, maliban pa sa Isabela,
Baguio at Manaoag.
Marami akong alaala bilang isa sa mga bata na laging sinasama
ni tatay para asikasuhin ang lupang sinasaka nila ng kanyang mga kapatid.
Maliban dun, tuwing piyesta lang ako pumupunta dito. Kapag fiesta sa bayan, o
pista ng mga patay.