Ang nilalalaman ng
blog na ito ay ayon sa pagkakaintindi ng awtor lamang. Ito ay rated SPG
Istriktong Pag-intindi at Gabay ng nakatatanda (kung talagang kailangan), ay
kinakailangan, lalo na’t ito ay naglalaman ng mga tema at lengwahe na hindi
angkop sa mga immature na mambabasa.
Minsan habang nagmamasid ako sa mga post na pwede kong
makipag-interact sa aking news feed sa Facebook, ay naka-agaw ng pansin as akin
ang status ng isa sa aking mga college friend. Aniya, ang mga nira-rant niya ay
ang sobra-sobrang pagkakaroon ng mga programa na rated SPG sa programming ng
isang istasyon ng telebisyon. Mula daw hapon hanggang gabi, panay ganitong mga
klaseng programa na lang daw ang umeere sa nasabing TV station.
Hmm… ganun? Teka, ano nga ba ang ibig sabihin ng rated SPG
na ito?