Kaya pala nagtataka ako kung bakit nagtrend ang pangalan ng nakaktandang utol sa Twitter nung araw na yun.
May 6, 2012. Linggo ng tanghali nun, sa Ninoy Aquino International
Airport Terminal 3, may magulong insidente na kinasangkutan ng isang mamahayag
at mag-asawang artista.
Napakagulo nga lang ng mga istorya para malaman kung sino
talaga ang nagpasimuno ng komosyon, bagtamat sa isang kumalat na bidyo sa YouTube,
pinagtulungan di umano ng grupo ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart
Santiago ang beteranong mamahayag na si Ramon Tulfo. At ang mga pinakaugat ng
insidente? Ang reklamo ni Claudine sa isang staff sa Cebu Pacific at ang
pagkuha ng mga litrato ni Mon sa nasabing pangyayari.
Napakakumplikado lang para maikwento bagamat mas lumala pa
kamo ang sigalot pagkatapos ng isang napakainit ng Linggo ng tanghali nun.