Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label relationship. Show all posts
Showing posts with label relationship. Show all posts

28 June 2024

Newsletter: Breaking Boundaries: KonsultaMD unveils inclusive Partner Health Plan Open to Common Law Partners/Same-Sex Couples

[THIS IS A PRESS RELEASE]


Leading telehealth provider KonsultaMD introduces a groundbreaking health plan that provides common-law partners and same-sex couples comprehensive healthcare. 

19 June 2014

Aral Muna Bago Landi

6/7/2014 9:52:19 PM

Sa panahon ngayon na ibang-iba na ang kabataan kung ikukumpara sa mga nakalipas na taon at dekada pagdating sa usapan ng taste at asta, ito na lamang ang tangi kong payo.


Oo, mag-aral muna kayo bago lumandi.

21 December 2013

Reconnection Notice

12/20/2013 1:08:59 PM

It’s easy to say “best of luck” or “best wishes” when deep inside you’re hurt. It’s easy to be comedian when you feel the sorrow and pain. It’s not very difficult to say “goodbye,” when you really want to utter “please, stay with me (minus the displaying of Agnes’ eyes).” It’s like you can fake the world, but you can never ever deny your true self, isn't it?

22 October 2013

60 In A Relationship With 16

10/18/2013 9:04:13 AM

Isang satirical punchline nga muna tayo, na 'di ko malaman kung sino ba ang unang nagpasimuno, pero credits pa rin tayo sa kanya, ha? Alam ko, walang kwenta 'to pag binasa mo lang, kaya ayus-ayusin mo na lang ang pag-deliver mo n'yan para 'di ka magmukhang corny.

Tanong: Anong chord ang paborito ni Freddie Aguilar?
Sagot: 'e di A MINOR!

Okay, so may malaking pasabog na naganap sa katatapos lang na 5th Star Awards for Music. Ang isang batikang mang-aawit, may karelasyon na... bata?! Tama, si Ka Freddie, may nadale pang binibini!

Eh ano naman ngayon?

Ang 60 anyos na si Freddie Aguilar, na ginawaran ng lifetime achievement award sa naturang  patimpalak, ay umamin na ang bago niyang ka-relasyon ay 16 anyso pa lamang. Halos malapit ang tunog no (sixty, and sixteen)?

05 August 2013

Ang Scandal At Ang Pagiging Tunay Na Lalake ni Chito Miranda


8/5/2013 1:47:06 PM

Isa sa mga matitinding problema na posibleng makasira sa pagsasama ng ating mga karelasyon ay ang pagkakalabas ng isang “sex scandal.” Ito ang realidad ng buhay: marami ang nahihilig na panoorin ang bidyo ng pagtatalik ng dalawang magkasintahan; pero pag ikaw ang pinagpepyestahan, sa malamang ay baka mahiya ka nang sobra-sobra sa buhay mo.

Buti pa si Alfonso “Chito” Miranda Jr. e. Isang tunay na lalake kahit na malaking pagkakamali ang nagawa niya sa panahon ngayon. Ang pagkalat ng sex video nila ng kanyang girlfriend na si Neri Naig.
 
screen grab mula sa instagram account ni Chito Miranda
Bakit ko nasabi na isa siyang TNL? Simple lang. kahit hindi niya kasalanan ang lahat, umamin siya ng paumanhin. Humble kung maituturin. Mapagpakumbaba. At makikita ang menshae ng kanyang paghihingi ng paumanhin sa kanyang instagram account.

30 December 2012

For Ligaw's Sake?


Panliligaw? Uso pa ba iyun?

Sa totoo lang, nagbago ang pananaw ko ukol sa bagay na ito. Ang pagkakaalam ko lang e para kang isang produkto at binebenta mo ang sarili mo para maakit siya at mahalin ka tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Ihinahakbang mo ang iyong best foot pa-forward, ika nga. Yung tipong palapit sa kanya. Kung kelangan mo na gumastos ng pera at panahon, mag-effort mula bahay mo papunta sa bahay niya, o ultimo magpapansin sa text at Facebook, basta para lang makuha ang atenmsyon niya, gagawin mo. Oo ganun nga. Gagawin mo.

Ganun? LECHE! Tigilan na natin ito.

15 October 2012

Girls Versus Boys? Tigilan na natin ito.


Punyemas. Maraming bagay pa ang dapat na pagtalunan. Usapin sa mga nangyayari sa bansa, desisyon sa pamilya, pagresolba sa mga sigalot sa komunidad, utang ng kamag-anak… pero pagdating sa mga suliranin sa relasyon? Kung sino ang manloloko, kung lalake ba o babae? Kung sino ang maarte, madalas nagbibigay-daan? Nagpaparaya? Mang-aagaw? Aba, utang na loob naman. Magsiawat nga kayo, ano po?!

Since time in memorial pa yata ang isyung ito. Hindi na mamatay-matay, lalo na ang dami nang nagiging mapusok sa salitang “pag-ibig,” e hindi rin naman ganap na naiintindihan ang mga bagay-bagay sa isang relasyon. Dapat yata malaman ng mga putok sa buhong ito na sa malamang, maraming pagkakaiba ang lalake at babae, hitsura man o pag-uugali. May mga kanya-kanyang kakayahan sila Adan at Eba. Bagay na hindi kayang gawin ng mga babae ang ginagawa ng mga lalake at may mga bagay na kayang gawin ng lalake ang mga ginagawa ng babae.