Ang pag-ibig, ‘pag minsan ay nagsimulang umusbong, mahirap pigilan kahit ano pa ang paraan para kitilan ang nararamdaman mo. At sa panahon ngayon na marami na ang paraan para makipag-ugnayan ang kapwa tao, imposible na wala ni isa sa mga ito ang paraan para ma-in-love ang isang tao.
Ang mga nilahad sa blog na ito ay iilan lang sa mga nakaenkwentro at naikwento sa akin ng mga tao ukol sa kanilang mga pagsisimula sa kanilang mga love story. Pero sila ang nag-open niyan sa akin, ha? Hindi ko kinulit ang mga iyan.
LOVE STARTS ON THE FIRST DAY OF CLASS. Kung mahiyain ka na makipagkilala sa kaklase mo, tiyak parang outcast ka sa madalas na pagkakataon. Pero kung isa ka sa mga tulad na may nararamdaman kagad… (hind iyan PBB Teens, no?) hindi lang siya ang kinikilig, pati buong klase. Alam mo naman ang tao.
LOVE STARTS ON A SIMPLE GET GET-TOGETHER. Yung tipong minsan mo lang siya nakasama, sa isang lugar man yan o sa kalsada, o kung saang byahe man yan (pero hindi biyaheng langit, ha?) yung tipong sa gitna ng mala-alamang usapan niyo, lumalim din ang pagkakakilala niyo. Yung feeling na andyan ang tawanan, seryosong usapan, pag kinilig ang ale, grabe kung makahampas sa iyo, hanggang sa makatulog siya at nakasandal siya sa tabi mo. As in, nag-eenjoy lang kayo, ang company niyo.
LOVE STARTS ON A SIMPLE “HELLO.” AND ALSO, WITH A SMILE. Tipikal na ba masyado? Sabagay, paano ka nga naman magsa-start ng isang conversation maliban sa mga usual na pagbati tulad ng Hi, Good morning/afternoon/evening/day, at iba pa? Ke personal man yan o sa modernong komunikasyon tulad ng telepono at maski na ang internet, basta may kakaiba lang na naramdaman mula sa impit ng tunog, intonasyon, kahit boses-ipis pa siya o sing bilog ng tulad kay Bossing o Rey Langit; hanggang sa kanyang intension na kausapin ka.
LOVE STARTS ON A TEXT MESSAGE. Parang yung previous lang ‘to e. Pero sa text kasi, depende kung ano ang pambungad mo. May mga pagkakataon kasi na magsisimula ka lang na maging close sa kanya kasi may kailangan kayong gawin at magkagrupo o magkapartner kayo. Pero may mga sirkumstansya na love starts on a simple text message dahil uso na rin lang naman ang mga cellphone (ke low-end man o yung mga high-tech), siyempre uso din talaga ang text messaging. Kahit sa mas modernong pamamaraan kaya ng pakikisalamuha tulad ng video call, social networking o mobile browsing, sadyang hindi makakaila na mas patok at mas epektibo pa rin ang text. It shows sa mga nagiging magkarelasyonsa text. Mas nailalahad ng maayos, at matipid. Kung suki ka pa ng mga unlimited services, e talagang sulit. Yun nga lang, easy lang ha? Baka kiligin ka masyado sa pagbabasa, at baka ma-wrong send ka (mas mahirap iyun). Pero may mga tao na tataliwas diyan dahil iba pa rin ang dating ng mga salita sa ma-boses na pamamaraan. Pero kanya-kanyang trip lang kasi iyan e. Perfect example diyan? Ang ilan sa mga tropa ko na jejemon, since sila lang naman ang madalas magtext sa ganyang pamamaraan. Aba, daig pa ang mga college friends ko pagdating sa itsura ng mga nauto, este, nakulimbat na tsikababes nila. Pero ibang usapan na iyun.
LOVE STARTS ON A NIGHT OUT. Sobrang tipikal na ang istorya ‘to, lalo na kung gimikero ka. Malamang dahil iyan ang pinaka-antigong aktibidad pagdating sa social networking. Makikipagkilalaka, aalukin mo na uminom, makikipagsayaw, and anything goes beyond… well, depende na iyan, lalo na kung may naispatan ka na kakaiba sa charm niya. After-party ba ang usapan?
LOVE STARTS ON A ONE-NIGHT STAND. May pagkakaiba iyan, ha? May mga nangyayari kasi matapos ang gimikan e. Pero, ops. X-Rated na iyan. Hehehe! Ano to?Parang ilan sa mga telenovela na ang ganitong tema ah. Unofficial yours ba ang kwento? Ewan ko. Pero mas madalas kong napapakingan yan sa Confession Session ng Boys Night Out.
LOVE STARTS ON A WEDDING RECEPTION. Parang peg lang ng parlor games lang ah. Yung tipong nakasalo ng bulaklak ng bride at yung lalake naman ang nagsusuot ng lace sa tinutukoy na babae (Teka, correct me if I’m wrong ha?). Hmm… may ganun pala?
LOVE STARTS AS... ENEMIES? Hindi ito usapin ng break-up o “cool off” ha? O lalo naman yung tipong muling ibalik. Hindi rin po iyun. Ito ang patunay na hindi lahat ng pakikipag-ugnayan ng tao ay nagsisimula sa pagiging magkaibigan. Yung iba dyan, magka-away pa talaga. Pero ika nga ni Hesukristo, “love your enemies,” bagamat hindi sa lahat ng oras ay epektibo ang romantisismo bilang klase ng pag-ibig. Siyempre, pag hindi na talagang nag-work out, kelangang maghiwalay, pero yung iba dun, back to strangers again e.
LOVE STARTS ON BEING A LIFE-SAVER. Action-romance-themed-film ba ang peg? Minsan, isa yan sa mga senyales ng Pinoy na Pinoy ang isang pelikula. Niligtas mo ang buhay niya, ni-return niya ang favor sa pamamagitan ng pagmamahal niya sa iyo.
LOVE STARS ON A FRIEND REQUEST. O pwede ring chat message, like, comment, o wall post. Dahil usong-uso rin lang din naman ang online relationships. Sa internet, kahit mataas din ang tiyansa ng panloloko, hindi yan alintana para sa mga tao na ang tindi ng nararamdaman kahit sa computer lang naman ang pamamaraan. Mas tipid at convenient pa nga e. Mas publicized nga lang kasi pwedeng mahalintulad ang isang wall post na naka-set sa public ang view/privacy options sa isang akto ng PDA o public display of affection. At taliwas ang ilan sa ideya ng panliligaw sa mga tulad ng Facebook, Twitter o kung anu pa mang sites o internet-based-programs yan. Ke madali lang ang lokohan diyan, masyadong matipid… as in effortless, o ano pa man iyan. Pero sa panahon na naghihirap ang iilan para makaipon ng perang pambili ng rosas, pang-harana na gitara, tsokolate at iba pa... e nagiging mautak lang din naman at least ang tao. Praktikal nga ba ang usapan? Ewan. Pero ang pag-ibig kasi kahit sa salita, pero as long as nararamdaman mo ang intension niya para sa iyo, at naiintindihan niya, matindi pa rin.
LOVE STARTS ON A FIRST SIGHT. Lastly, and as usual, may mga ganyan pa rin. Nasa mata rin kasi malalaman kung nagpapakatotoo ba siya sa mga sinasabi o inaakto niya o hindi. Pero kungsi John Lloyd Cruz ka sa pelikulang My Amnesia girl, mas maniniwalaka pa sa second sight. Hmm, pwede.
Uulitin ko: iilan lang siguro yan sa mga talagang nagyayari sa lipunan. Meron pa siguro ako na hindi nababanggit diyan. Pero either way, LOVE STARTS in various ways we never know nor saw it coming.
Author: slickmaster | date: 08/12/2012 | time: 12:30 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions