Pedestrian lane. Isang lane sa kalye na nagsisilbing tawiran
ng tao. Basic na ito sa klase ng tinatawag na road traffic. Dito ka lang
pwedeng dumaan kung ikaw ay isang pedestrian. At kung motorista ka, alam mo na
dapat igalang mo pa rin ang nasabing tawiran ng tao.
Pero parang isang masalimuot na usapin ito. Dalawang bagay
lang kasi: una, marami rin kasi ang abusado na mahilig tumawid sa mga kalsada
na hindi naman pwedeng tawirin, lalo na kung mayroon naming footbridge o
overpass diyan. At pangalawa, sa panig naman ng mga drayber, hindi marunong
gumalang sa mga taong tumatawid sa pedestrian lane.
Ngayon, kung may jaywalker ka at sa kabilang banda naman ay
meron kang mga humaharurot para lang mabansagang hari ng kalsada, aasahan mo ba
na titino ang karamihan ng mga tao sa kung saang mga kalsada ng Metro Manila
kung hindi naman marunong na magsiintindi ang mga ito sa mga tinatawag na batas
ng lansangan? Ay, oo nga pala. Uso ba para sa kanila iyun, o ni alam ba nila na
may mga ganun klaseng alintuntunin na dapat nilang sundin?
Sa isang lipunang malaya na tulad natin, ang batas ang isa
sa mga pinakakalaban ng ating sistema. Ayaw ba ng disiplina, o sadyang
matitigas lang ang ating ulo… ewan ko.