Lumaki ako na ang musikang madalas pakinggan ay ang mga may
makabuluhan na nauuso pa kahit papaano noon. Iyan ay sa kabila ng mga
naglalabasang mga mahahangin sa mainstream. Ngayon, napapatanong na lang ako.
Nassan na kaya ang mga ganitong musika? Ito dapat ang mas pinapakinggang ng
karamihan kesa sa mga halatang pasikat kahit hindi pa ganun kahasa e. Sensible
music, ika nga. Ang art noon, hindi lang may commercial value, may moral value
din. Kaya astig talaga kung maituturing. Iyun nga lang, mas madalas ito makita
sa mga larangan na hindi na saklaw ng mga nauuso.
Pero alam ko na mayroon pa naman sa pop culture na may
ganitong tema e. Yung mga may dating alaga. Hindi dahil sa mababaw na aspeto
tulad ng astig na rhythm o beat, o ‘di naman kaya’y yung mga madaling
kabisaduhin yung mga salita ng lyrics. Kundi dahil sa mga may mga magagandang
kwento sa likod nito. Yung tipong may mapupulot ako na may kaututran at
matututunan, kahit sa kabila ng mga katarantaduhang mga binibigkas ng mang-aawit.
Yung talagang masasabi na may replay value.
Alam ko, meron pang mga ganitong klaseng bagay sa panahon
ngayon. Though ang isa sa mga pinakapatok noon ay ang kanta ng Black Eyed Peas
na “Where is the Love?” Akala ko nga nung una e, panay romantisismo na naman
ito e (love e). Pero ‘tol, ‘wag ka.