Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label sorry. Show all posts
Showing posts with label sorry. Show all posts

06 February 2014

Sorry?!

2/5/2014 4:35:43 PM

“Sorry,” is all that you can say…

Alam ko, tunog Tracy Chapman o Boyzone yan. Malamang, eh linya ng kanta nila yan eh.

Pero yan din ang isa sa mga pinakamahirap bigkasin na salita. As in mas malala pa ‘to sa mga nauutal o nabubulol sa mga kataga sa bokabularyo.

Oo nga naman. Pero teka, ano nga bang meron sa salitang “sorry?”

Sorry, o “patawad” (“LOOOOORRD, PATAWAAAADD!”), o “paumanhin” o kung anu-anong translation pa yan sa iba’t ibang lengwahe at dayalekto. Ang daling isulat pero mahirap bigkasin, lalo na kung ikaw ay may nagawang mabigat na pagkakasala sa kapwa. Ke nagnakaw ka man ng cellphone ng kapitbahay mo, o nanloko ka ng babae, o nangursunada ka lang ng isang taong akala mo’y umaasta nang siga sa harapan mo.

Pero bakit nga ba mahirap sabihin ang salitang “sorry?” Ano bang meron sa salitang ito na parang ang hirap-hirap naman niyang sabihin?