Oo nga naman. Sa panahon na nauso ang mga tila bentahan ng post fedbacks tulad ng mga like sa Facebook at favorite sa Twitter, e talagang may mga tao na aasta na parang magbebenta dyan, pero ang binebenta niya – ay ang status niya sa Facebook.
“tol/friend/pre,
pa-like naman ng status ko oh. Thanks. J”
Aminin mo,
minsan sa buhay mo e nakabasa ka na sa mga chat messages mo ng ganito, kahit
hindi sa eksaktong konteskto ng salita. Na minsan e may nagsend sa iyo ng
mensaheng iyan. At... alam mko na idedny mo to, ikaw din mismo nakapagsend na ng
ganyan sa mga friends mo sa fb.
Well, ganun
talaga ang kalakaran sa mag social networking sites. Hindi mo lang binebenta
ang sarili mo na base sa kung ano ang nakalagay sa About Me section mo, pati na rin yung mga bagay na lumalabas sa
isip mo na siyempre e natatranslate sa mga post mo, and at least hindi naman sa
mahaliparot o mala-putang pamamaraan ha?
Pero may
mga bagay kasi na dapat e nasa tamang lugar lang. Magpi-PM ka lang sa isang
tropa mo para lang magpalike ng status? Hmmm...