Moderno na ang mundo ngayon, at hindi nagpapahuli sa mga
dorobong mala-high-tech na rin ang istilo ng pananamantala nila sa kapwa.
Anuman ang kalokohan nila, nahuhulog na sa patibong nga mga pwersa ng mamamayan
at alagad ng batas gamit ang isang camera na kung tawagin ay CCTV.
Dati lang ito nakikita sa mga pampublikong lugar para
tulungan mandohan ang mga seguridad ng mga naturang gusali o establisyamento,
lalo na sa mga opisina ng mga matataas na kumpanya. Kung sakaling may security
lapses na naganap sa panig ng mga gwardya, ito ang isa sa mga natitirang
sandigan sa mga pangyayari.
Ngayon, sa mga ilang bahay at ultimo mga kalye, meron na
ring nakakabit na CCTV camera. At iba’t ibang klase na rin ang mga ito. Bagay
na malaki ang naidudulot at naiaambag sa panig ng otoridad kontra krimen.
Sa mga closed circuit television camera kasi naidodokumento
ang mga pang-araw-araw na pangyayari sa isang spesipikong lugar na abot nito.
Abot ang mga sitwasyong nagaganap. Kung may sablay na transaksyon, may
nakaligtaang tao na dumalaw, at iba pa. Pero kapag sa mga bagay na akto ng
krimen ang usapan, nahuhuli din nito ang mga suspek at biktima. Madalas sa mga
news items na police beat ang tema, naisasama na bilang paret ng mga ulat ang
mga kuha ng CCTV. At ultimo ang trapiko sa lansangan, hagip na gamit nito na
pinapahiram pa sa mga ahensya ng pamamahayag para sa kanilang mga traffic
report.
Sa mga laman ng balita na hindi na nahagip ng mga lente ng
media, CCTV ang isa sa mga tanging makakapagresolba. Kung ang isang
prominenteng nakatakas na kawatan ba ay pumasok sa isang casino, kung may
nag-check-in sa isang kwarto pero yun pala ay nire-rape na ng isang diplomat at
kanyang dine-date na dalaga, kung nakunan ba ang dorobo ng hindi masawatan na
budol-budol gang, nangholdap sa isang tindahan, niratrat ng bala ang isang
dumadaan lang na tambay, ang ultimo pagsasgasa ng isang sasakyan sa center
island na ikinasawi ng isang bata, kung may tumalon sa riles at nagpasagasa sa
dumaraang tren, at iba pa.
Malaki ang naitutulong nito kahit sabihin pa na ang ilan sa
mga ito ay hindi lubusang malinaw ang kuha, ang iba ay nahalata ang nasabing
device, pero nakagawa pa rin ng krimen. Ang hindi maisalaysay ng tao, nakikita
sa mga camera na tulad nito. Kaya malaking bagay na rin pag gumawa sila ng
imebstigasyon at mas matindi pa kung mahuli ng mga kapulisan ang suspek sa
isang naturang krimen gamit nito.
Isang bagay ang siguradong pinapatunayan ng CCTV camera. Ika
nga ng isang palabas, “Hindi nagsisinungaling ang ebidensya.”
Author: slickmaster | Date: 09/28/2012 | Time: 01:32 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions