Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label tao. Show all posts
Showing posts with label tao. Show all posts

20 November 2013

Anong Pinaglalaban Mo?

7/26/2013 5:36:01 PM

Ito lang ang hindi ko maintindihan. Ang daming problema ng Pilipinasna sinosolusyunan at patuloy pa ring sinosolusyunan ng ating pamahalaan. Pero ilang administrasyon na ang nagdaan, bumuti naman ang mga bagay na tila wala nang lunas noon, pero bakit nagngangaw pa rin ang mga ‘to?

22 August 2013

Tirada Ni Slick Master: Ang Arte N’yo!

8/21/2013 5:05:40 PM

Ang arte rin ng mga ‘to no?

Porket maulan ang panahon, tinatamad nang pumasok. At teka nga, may gana ba talaga ang mga ‘to na magsipasok sa kani-kanilang mga eskwelahan?

Kamakailan lang kasi, noong kasagsagan ng mga pag-ulan sa lugar na ating kinatitirikan, ay naglipana sa mga news feed sa social networking sites na Facebook at Twitter ang pagiging tamad ng mga estudyante na pumasok sa eskwelahan. Aba, sa school, tamad kayo pero sa Facebook, ang sisipag n’yo?

16 May 2013

Isang Pasaring Sa Mga Tangang Mamamayan.


11:48:49 PM | 5/15/2013 | Wednesday

Mga minamahal na kababayan, bakit ang tatanga n’yo? Noong mga nagdaang taon, noong panahon na naghari ang korapsyon,  naghahangad kayo ng pagbabago. Nitong mga nagdaang araw na’y dumating na ang eleksyon, ni hindi naman kayo bumoto. Puro kayo reklamo. Anak ng puta naman, ano ba talaga ang gusto n’yong mangyari sa lipuanng ginagalawan n’yo?

Oo. May bumoto nga naman. At noong dumating na ang eleksyon, laging paalala sa inyo na bumoto ng wasto. Pero ano ang ginawa mo? Winaldas ang pagkakataon. Nagpasilaw sa kasikatan nila, kahit wala namang kakwenta-kakwenta o ni substamsya ang kanyang ginawa, basta may pangalan, sige lang. Parang mga gago lang na nagpadala sa kandidato porket may sarili siyang palabas at pera. Kahit walang kilos at puro lang boka. Ay, nakakaloka.

28 September 2012

ANG MAPAGHUSGANG LIPUNAN.


Sa panahon ngayon, hindi natatalab ang kasabihang “Don’t judge the book by its cover.” Bagama’t may mga matitinong kritiko naman sa mundong ito, e marami naman ang mga superficial, yung skin-deep lang ang pag-unawa. Ano ang ibig kong sabihin? Pansinin mo ang mga bagay-bagay sa lipunan, sa mga news feed mo sa Facebook, at diyan mo makikita ang mga sagot, tulag ng mga ito:

Itsura o pananamit ng tao. Sa mata ng iba, diyan mo makikita ang personalidad ng isa. Kung anong klaseng tao ka.
  • Kapag magandang lalake ka, dalawang bagay: sa matitino at sa mga babae, gwapo; at sa mata naman ng mga insecure, bakla, lalo na kung may pagkabanidoso ang mga ito.
  • Kapag hindi kaaya-aya ang panlabas na anyo, ineechepwera ng karamihan. Wala na silang pakialam kung mabait naman ang kalooban nila sa kabila ng kanilang itsura.
  • Kapag naka-make-up masyado si ate, dalawang bagay: sobrang kaartehan, o isa sa mga prosti. Yun lang ang panlaban niya kahit laspag na talaga pag nahubaran e.
  • Kapag corporate ang attire, mataas na ang katungkulan ang tingin nila sa kanya. Teka, hindi ba pwedeng uniform nila ang ganyan?
  • At kapag kulot ang buhok, parang yung usong kasabihan… salot.

Sa pagsasalita naman nalalaman din ang ugali ng isa.
  • Kung matiwasay, mahinhin ka.
  • Pero kapag balahura ang dating, e parang ganun nga.
  • Kapag may slang, sosyalera na daw o maarte.
  • Kung loudmouth masyado, parang nagger.

Kapag may kasama ka sa isang lugar, pampubliko man o bahay, may masasabi din sila depende nga lang sa mga kasama mo.
  • Kapag ang dalawang babae ay magkasama, ayos lang yan bagamat may iba diyan bumibira na “ay, sa malamang ang isa diyan ay tibo o lesbian.”
  • Kapag ang isang babae at isang lalake naman lalo na kapag magkaedad lang sila sa itsura, ang unang impresyon ng ilan? “ay, mag-syota ‘to” kahit sa totoo lang, puwedeng mag-utol o magkatropa lamang sila o kahit wala naming akto ng PDA na nagaganap.
  • Kapag dalawang lalake ang magkasama, dalawang bagay: magtropa o yung isa diyan, bakla.
  • Kapag may kasamang bata, “ay, may anak na” ang sambit nila, kahit sa totoo lang e inaanak mo lang o pamangkin o kung ano pa iyan.
  • Kapag ang isang pangit at maganda ang nagsama, “ginayuma” daw ni pangit. Ngek! Grabe naman iyan.

Sa isang simpleng post ng Facebook natutukoy din ang personalidad ng tao. At sa mga kumento ng ilan mo mahahalata kung nakakintidi ito sa binasa nilang post o hindi. Ilang bese na ko nagmamasid at ito ang mga nakita ko… kasarap lang bigwasan ang iilan.
  • Pag nagpost ang user ng isang mala-ampalayang mga salita at may babala ito, may magkukumento pa rin ng “Ang bitter mo, gago!” Ay, ang tanga lang.
  • Kapag nagpost ng isang tirada o nagaalab na saloobin ang isa, may nagkukumento ng “hoy, sino na naman ang kaaway mo?” o ‘di naman kaya ay “U MAD?” Ay, hindi! Proud ako, tanga!
  • Kapag nag-post ang isa ng isang mala-kesong linya, dalawang bagay: sweet o in love, o corny/ gasgas na. kapag maraming sinasabi, ano ka? Ernie Baron? Ang dami mong alam, dre. Sorry ha? Inggit kasi ang mangmang na tulad mo e.
  • Kapag may nilalamang maselan na salita, malibog na kaagad. Weh?
Ang mga nabanggit ko ay iilan lang sa mga bagay-bagay na naka-agaw ng pansin sa akin. Ayun pa pala, kapag napuna mo, masasabihan ka pa na “pakealamero.” Sabagay, kung may mga kapuna-punang mga bagay ba naman e. At may pagkadepende ang pagiging pakialamero at tsismoso ng isa. Siyempre, nilulugar din iyan. May mga bagay na pwedeng pansinin at may mga bagay din na off-limits na.

Sa wall photos nga lang e pag may napansin lang kukunan na kaagad ng litrato e regardless kung worth it ba ng attensyon ang bagay na iyun o hindi. At mahahalata mo din kung gaano kababaw ang panghuhusga ng ilang mga tao. Pustahan, kapag ito ay nabiktima ng ibang tao sa ganyang gawain din na tulad nila e diyan lang sila matatauhan. Nakakahiya kaya ang pagtripan ka sa social media.

Sa balita, pag nahagip ka lang ng lent eng kamera e akala ng iba laman ka na rin ng balita mismo. Yung iba nga pag nadyaryo e, akala nila masamang balita na ang kinasangkutan.

Pag na-typo ka nga lang sa ilang mga post, may mga aaribang mga “Nazi” diyan. Lalo na siguro kung palyado pa ang pag-i-Ingles mo. Grammar Nazi ang aatake sa iyo.

Sa sobrang marami ring mga perpeksyonista sa mundo, nakalimutan yata ng mga ‘to na hindi sila angat kahit ilang beses sila mamuna at makisawsaw. Yan, ang hihilig kasi makiuso e.

Marami pang mga tanong. Parang mga ito:
  • Pag may litratong magkasama, magka-date na kagad?
  • Kapag siya ang last touch, siya na kaagad ang nagnakaw?
  • Kuapag nakashoot a la Kobe moves, superstar na kagad?
  • Kapag mabilis mag-rap si Loonie na kagad?
  • Kapag mga ganitong linya, si Vice na kaagad? (Sabagay, siya ang nagpauso niyan e.)

O ewan… ang dami.

Isang bagay lang ang sigurado. Mapanghusga tayo sa sariling karapatan at pamamaraan sa ayaw o sa gusto natin. Pero pustahan ang iba, magdedeny, at yung iba na maghuhugas-kamay, mabibira pa ng “ipokrito” ng iba. ay, naku. Ayos lang maging kritiko, pero sana laliman naman natin. Hindi yung “may masabi lang.”

Author: slickmaster | Date: 08/03/2012 | Time: 09:39 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions

27 September 2012

Silang mga balasubas…


Tila hindi na sila mawawala sa sistema. Kumbaga sa sakit, pang-terminal na ito. Parte na kasi ito ng pang-araw-araw na buhay ng ilan. Hindi na bago ang mga pangyayari dahil noon man o ngayon, nariyan pa rin ang mga taong ito. Sa ngalan ng material na yaman, manlalamang sila, at minsan pa nga e handang makipagpatayan makuha lang ang mga bagay na tutugon sa kanilang mga halang na sikmura, isipang kinakalawang at pusong mas matigas pa sa pader na gawa sa  pinaghalong semento at bakal.

Sa kada pagkakataon ng pakikipagsaparalan ko sa lungsod, nakikita ko ang mga ito. Akala mo mga patpating tambay, yun pala ay magnanakaw ng pitaka. Sa kalye man o sa mala-Sardinas na pampasaherong sasakyan, umaatake sila nang hindi mo nalalaman. At ika nga ng kasabihan, “malalaman mo lang ang halaga ang isang bagay kapag wala na ito…” sa tabi mo. As in literal.

At sa gabi naman, ang akala mong simpleng madilim na espasyo, may kahiwagaang nagaganap. Dalawang bagay lang, may naglalampungang mga puta o may tumitimbreng kawatan. Mga nag-aantay na may mabiktima. Kapag pumalag, patay na kung patay. Parang hindi man lang naisip ng mga ito kung gaano kahirap ang bumuhay ng isang tao tapos kikitilan na lang sa isang iglap gamit ang makalawang na lanseta o ng tinggang may pulbura.

Sa kabilang dako naman, malulutong na murahan ang eksena. May kamuntikan na magbanggaan kasi na mga sasakyan sa isang interseksyon doon. Hindi pa nakuntento, nagmaanagas pa ang parehong kanto sa gitna ng kalye. Ay, kasarap sagasaaan ang mga bwakananginang mga ‘to. Pwede bang magsitabi kayo? Hindi lang kayo ang hari ng kalsada, alam nyo po.

Sa simpleng pagpila nga lang e pakapalan na ng mukha, makasingit lang. Kapag sinita mo, wala! Babaligtarin ka pa. Ikaw pa ang maeechepwera. Mas makapal pa sa isang ream ng papel ang mga pangit na pagmumukha nila.

Yung mga taong gumagawa ng tama sa lipunan ngayon, ewan ko kung bakit pa sila pa ang mas naagrabyado? Kung bakit sila pa ang mas hindi nagagantimpalaan? Ang simpleng pamamaraan yata na magsabi nga lang ng katotohanan e pinapatay na, kung hindi man e hinaharass. At ang mga tumatanggap ng lagay dyan e sila pa ang mas nangingibabaw. Sabagay, pera-perahan e. Samahan mo pa ng palakasan sa tao. Ang magandang budhi sa panloob at panlabas na anyo? Asus, asa.

Kaya minsan, hindi ko masisisi ang mga taong pumili na tumahimik na lang at maging pipi’t bulag na saksi sa mga kaganapan. Mga lumugar sa “walang pakialam,” kahit ang ilan sa kanila ay ilang beses na binabastos, sa likuran man o harap-harapang ginagawa.

Ang buhay kasi ng isang tao ngayon ay nakadepende na sa diskarte nito. Kapag wala siya nito, ano na lang ang kakainin niya pagdating na lang ng dapit-hapon?

Author: slickmaster | Date: 09/27/2012 | Time: 10:23 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

13 August 2012

Ang Lipunan at ang Lotto.

Ito ay base lamang sa obserbasyon ko habang inuutusan ng ermat ko na tumaya ng lotto.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin nito, pero nasa pagtaya ng lotto sumasalamin ang halos lahat ng klase ng tao. Depende sa pagdiskarte at ugali nito. Obviously, may mga matitino, at meron ding mga asal-gago.

Wala itong pinagkaiba sa mga sitwasyong tulad ng mga estudyanteng nagkukumahog sa pagreresearch para makasagot lang sa kanilang mga takdang aralin, sa mga player ng basketball kung paano makahanap ng mga plays o stratehiya para makaiskor lang sa laro, o ultimo ang mga lalakeng nagkakandarapa kung paano didiskartehan ang isang astig na tsikababe sa kabilang table sa isang gimikan. Sa madaling salita, ang mundong ito ay isang malaking kumpetisyon, at lahat tayo ay magkakakumpetensiya sa ilang mga bagay na pinaglalabanan talaga.

Sa pila ng lotto, makikita mo kung sino ang disiplinado, yung nasa pila palagi, nasa ayos at may haba ng pasensya na maghintay para sa kanyang turn para ipusta ang kanyang taya. At pagdating sa harap ng teller kung matiwasay ba ang kanyang pakikisalamuha sa kaniyang mga transaksyon.

Sa pagtaya makikita mo ang ilang natutuliro. Nag-aalangan sa mga taya. O yung mga tayong may sobra-sobrang planong pang back-up. Kaya kaming mga nasa likuran niya, inaabot naman ng siyam-siyam. Parang ganito…

Teller: Sold out na po ang taya niyo sir.
Customer: ah, 6-2.
T: Sold out din. Sorry.
C: Ahm… teka… (after 20 seconds na yata) ito, 9-5.
T: Sold out din po.
C: (and so on, and so forth)

Yung iba, hindi naman pahabol sa kanilang mga transaksyon, nagagawa pang manggulang at sumingit sa pila. Pero kapag umalma ka sa kanilang ginawa. Pambihira naman oh.

At yung iba, hindi ko alam kung may pagak-ignorante ab o ano. Kung first timer, baka maunawaan pa namin yan. Pero kung lagi naman na. Aba, teka lang, boss, mawalang galang po. Alam mon na may card, alam mo naman pung paanomarkahan yan. May panuto na nga na nakapasil dyan. Pero hindi mo pa rin ginagamit yan. Ay sows!

Pero… pagbigyan natin kung hindi talaga marunong. Pero alam mo, dapat din siya matuto e.

Uulitin ko: sumasalamin sa iba’t ibang klase ng antas ng tao base sa ugali at diskarte ang mga bagay tulad ng pagpila at pagtaya sa lotto. Kaya bago mo hilingin na sana manalo ka, ayusin mo na ang diskarte mo.

Author: slickmaster | date: 07/24/2012 | time: 03:46 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

07 May 2012

Disiplina vs. Demokrasya

05/07/2012 12:32 PM



Minsan naisip ko ito: "Ang kalaban ng DISIPLINA ay ang DEMOKRASYA." 

Bakit? Ewan ko. Napakakumplikadong suliranin lang naman. Dulot ng magulong sistema, at sobrang layang mga mamamayanan. Hindi matantsya kung saan sasakto sana ang lahat para tumino naman tayo.