Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label tax. Show all posts
Showing posts with label tax. Show all posts

14 April 2014

BUWIS-IT (v. 2014)

4/14/2014 10:35:02 AM

Bukas ang pinakadeadline sa pagbabayad ng buwis.

Eh ano ngayon? Wala lang. Pinapalala lang naman nila, gamit ang kanilang nakakaka-LSS na jingle nila.


Aba, in fairness ha? May pagka-astig din.

22 August 2013

This Is Where Your Taxes Go

 8/21/2013 4:34:52 PM

May kasabihan: Kung ano ang binayad mo, yun din ang dapat ang matanggap mo. “You get what you paid for,” ika nga sa Ingles. Ganyan sana ang kalakaran sa ating bansa pagdating sa buwis.

Pero bilang isang parte ng middle class, isang malalaking grupo ng mga tao na nag-aambag ng halaga ng salapi sa ating bayan, saan nga ba napupunta ang ating buwis? Dapat sana sa mga imprastraktura at proyekto ng gobyerno ‘di ba?

Mali. Sa totoo lang, sa mga bagay na ito napupunta ang ating buwis.

03 July 2013

Iskwater!

7/2/2013 10:42:51 PM 

Photo credits: The Philippine STAR
Isa sa mga pinakaugat ng kahirapan sa ating bansa ay ang mga tinatawag na “informal settler.” Iskwater, kung kolokyal na lengwahe ang usapan.

Oo, isa sa mga pinakaugat nga ng problema sa ating bansa. Maraming dahilan kung bakit. Nagagamit sila ng ilang mga puliitko para dominahen ng mga ito ang lugar at kapangyarihan. Meron pa sa mga ito ay  ginagawang isang propesyon ang pagiiskwat. Nagiging pugad rin ito ng mga halang na bituka, mababaw na kamalayan, baluktot na pag-unawa, at bara-barang astahan.

Ganun? Well, hindi naman lahat ng nakatira dun ay mga gago talaga. Dahil ang iba sa kanila ay lumuwas mula sa kani-kanilang mga probinsya para makipagsaparalan sa Maynila, at sa hindi magandang pagkakataon ay hindi pinalad na makaupa ng disenteng tahanan.

Kamakailanlang, maliban sa mga kaliwa’t kanang demolisyon, ay may mga ugong-ugong na balita na sila’y nakatatanggap ng 18 libong piso sa loob ng isang taon bilang subsidiya ng gobyerno.

14 September 2012

Epal

09/14/2012 10:50 AM 

Photo credits: Definitely Filipino; obtained through Pinoy Gigs

Epal. Isang salita na tumutukoy sa taong pagiging mapapel, yung mga sobrang papansin, at laging nakikisale(?).