Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label teleserye. Show all posts
Showing posts with label teleserye. Show all posts

10 April 2014

Mas Okay Pang Manood ng Wrestling Kesa sa Telenovela

4/10/2014 10:37:26 AM

Sa totoo lang, ang isang sporting event ay isang pinakaperpektong halimbawa ng reality show, o ng isang television series. At kung ganun lang naman ang usapan, aba, mas okay pang manood ng wreswtling kesa sa teleserye!

Ano?! Seryoso ka ba?!

O, ano? Napataas ba bigla kilay mo? Uminit ba ulo mo? Kumulo ba dugo mo?

Kung ganun, aba, hindi ko na problema yan.

13 March 2014

I-Ban Ang Mga Teleserye!

3/13/2014 9:14:02 PM

May usap-usapan. Actually, hindi, naging balita na pala siya: isang mambabatas raw ay nagpapanukala na i-ban ang mga Koreanovela sa sirkulasyon ng Philippine television.

Teka, ano kamo? I-ban ang mga teleserye na mula sa Korea? Nung una tong pumutok noong nakaraang buwan ay napa-PM sa Facebook ang isang college friend ko sa kanyang pagkainis. Hindi naman siguro sa kangang pagiging K-Pop, ano, pero ano naman ang punto para i-ban ang mga teleserye na galing sa South Korea?

Unfavorable time slot daw sabi ni Buhay representative Lito Atienza. Sa paglipana raw kasi ng mga ‘to, nawawala na raw ang mga lokal na teleserye sa Pilipinas.

Ha? Weh? Di nga?

04 November 2013

Crying Boy

11/4/2013 9:13:16 PM

Ang drama talaga ng mga Pinoy no?

Kaya ‘di kataka-taka na trending ang eksenang ito.

Ano ang ibig kong sabihin? Panoorin mo ito.



Tama, ang eksena ng pag-iyak ng batang si Honesto. Batang umiyak dahil napagalitan ng nanay. Tumakas, este, may hinabol daw kasi. Bad boy ba? ‘Di naman siguro. Baka naman nagalingan lang si direk sa kanyang pag-iyak (pero hoy, ang hirap kaya yan sa parte nila).

29 July 2013

Araw-Araw Teleserye (Kaya Ang Buhay Ay Nagkakandaleche-Leche)

7/26/2013 6:37:44 PM

Isa sa mga matitinding problema na tila sakit na cancer na sa ating lipunan ay ang mga “teleserye.”

Hay naku!

Sa araw-araw na lang na lumilipas (o kung mahilig kang lumabag sa ikalawang utos, “sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos”), panay teleserye na lang ang nakikita ko sa telebisyon. Mabuti ngang patayin na nga ang telebisyong ito at ituloy ang pagsusulat.