Luto nga ang laban, kaso wala e. As in wala tayong magagawa dyan.
Alam kong sobrang badtrip ka nung natalo si
Manny Pacquiao kay Timothy Bradley noong nakaraang Linggo. Hindi masama ang
madismaya, lalo na kung masugid ka na tagahanga ng isang atleta sa sports. Kaw
ba naman ang makapansin na mas marami pa ata ang yakap ng Kanong boxer kesa sa
mga suntok mismo niya e.
Sa sobrang “luto” nga ng laban, ang daming
naglabas ng matinding sama ng saloobin nito sa mga social networking sites, at
isama mo na dyan ang tweet ng batikang sportscaster na si Ronnie Nathanielsz na
tila nagpoprotesta ito. Ayon sa kanya, kahit ang mga estudyante sa k-12 e alam
na panalo si Pacquiao sa laban na iyan. Kaya nung lumabas ang resulta e parang
ninakawan daw ang dating nito sa pambansang kamao.
Sabagay, hindi naman natin masisisi ang
pananaw ni Manong Ronnie dyan. Pananaw niya yan e.
Ika nga ng isang TV commentator na si Teddy
Atlas, boxing is a corrupt sport. Actually, sa kahit anong sport naman ay
nag-eexist ang corruption e, by all means of dirty politics man yan, game
fixing scandals, off-sport issues, etc. Hindi na bago ang mga ito. Kung aalamin
mo ang mga ganitong bagay sa larangan ng pampalakasan, pustahan, marami kang
matutuklasan.
Pero alam mo, dito ka rin hahanga kay Manny
kahit sa mata ng karamihan sa atin e nalamangan siya. Ipinakita niya ang
pagiging sportsmanship. Tila maluwag itong tinanggap ni Pacquiao.
Nakakapanibago ba? Sabagay, nagbabagong buhay siya e.
Kaya siguro nauso ang hashtag nun na #MannyPacquiaoIsStillTheWorldsBest. Sabagay, marami naming napatunayan
si Manny. Isa na siyang alamat sa larang ng pagboboxing. Aabutin pa ng
siyam-siyam bago maalpasan ng sinuman ang record na ginawa niya. Dun pa lang,
marami na siyang napatunayan. At ang mga talong tulad nito? Nah, maliit na
bagay na lang yan. Pero sabagay, pride din kasi ng bansa ang isa sa mga
nakataya din e. At, come on, either way naman kikita pa rin si Pacman e.