(Photo credits: francismagalona.multiply.com) |
Isang alamat na maituturing. Isa sa mga tao na nakapagpabago o humubog ng takbo ng musika sa Pilipinas. Sino ba naman ang hindi makakalimot sa kanyang
mga kanta na nagsasalamin sa iba’t ibang mga tema at mensahe? Nakipagsabayan kila
Andrew E at sa mga tulad ng bandang Rivermaya at Yano noong Dekada ’90? Ang
nakasama nila Ely Buendia ng Eraserheads, ang bandang Greyhoundz, Si Chito
Miranda at ang kanyang Parokya ni Edgar, ang grupong Death Threat na
kinabibilangan ng isa sa kanyang mga nagging kaibigan at tagahanga at ngayon,
ay sumusunod sa yapak niya na si Gloc-9?
Hindi matatawaran ang kontribusyon ni Francis Magalona sa
indistriya ng musika. Napakalupit lang.