10/27/2013 12:17:30 PM
www.keepcalm-o-matic.co.uk |
Palagi na lang nating naririnig ang salitang ito pag panahon ng botohan: VOTE WISELY. Mula sa eleksyon sa pamayanan (barangay, local na komunidad man, o national – presidential man o midterm yan) hanggang sa mga reality shows na kinakailangan ng “audience participation” (siyempre naman, d’yan masusukat din ang “audience impact” ng isang kalahok at ang popularity factor ng isang palabas maliban pa sa ratings nito), usong-uso ang “boto.” Teka, baka naman sa election ng class officers ay maririnig mo pa ‘to ha? Pati ang election ng board of officers? Sabagay, kahit OA nga lang ang datingan.
Tama, VOTE WISELY nga ang palaging paalala ng mga station voiceover sa kani-kanilang mga promo ad; at pati ang mga graphic designer at copywriter sa kani-kanilang mga print ad. Dito lang ako nagtataka – ang tanong: Sino si WISELY?