What’s with the waiver?
Ah, Ewan.
Nagsimula sa impeachment trial ng dating Supreme
Court Chief Justice Renato Corona yan. Nung tumestigo ang isinasakdal mismo sa
nasabing paglilitis. Akala mo, kung ano na namang che-che-bureche niya yan ano?
Waiver-waiver pang nalalaman ampucha!
Pero bakit nga ba naging big deal na ang
isyu ng waiver na yan? Well, simple lang. Para mapatunayan ang isang tao sa
gobyerno na wala daw itong tinatago. Kung tatanungin kasi na hindi pa ba sapat
ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth para dyan, e… ewan. Yung iba
siguro kasi e magaling magtago kung totoo na corrupt man siya/sila. At sa
panahon ngayon, tanghali na lang ang tapat. Ang mga pulitiko na yan? HMMM….
Mahirap husgahan e bagamat madaling magsalita na “Pucha! asa pa kong matino ang
mga taong yan. Magnanakaw din naman yan pag naupo sa lugar ng mga kinauukulan.”
Hmmm…. Okay naman din pala e.