Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Showing posts with label waterproof. Show all posts
Showing posts with label waterproof. Show all posts

08 November 2013

Bagyo Ka Lang!

11/8/2013 10:44:26 AM

Hindi kailanman matitinag ang buhay na diwa ng mga Pinoy. At hindi ko sinasabi ‘to dahil sa likas din na matitigas din ang ating ulo ha? (ops, ulo sa taas ang tinutukoy ko. Para malinaw lang sa atin, ha?). May kasabihan, “The Filipino spirit is WATERPROOF!” (na pinasikat pa sa isang episode ng interstitial ng aking idolo na Word Of The Lourd).


30 July 2012

WATERPROOF!



Aminado ako na noong bata ako, isa ako sa mga taong tuwang-tuwa kapag walang pasok. Pero hindi nga lang din sa lahat ng pagkakataon. May mga panahon din kasi nun na kung kelan nagsuspend ng klase ang DECS (Yun pa ang pangalan nila bago maging DepEd e) saka naman tila umaayos ang panahon. Nakakahilo lang na parang, ano ba talaga ate o kuya? Minsan natatanga na lang ako sa gilid at napapaisip nun na “Naku. Baka may pasok na ha? Dinaya lang ako ng TV.”

Pero siyempre, mali ako dun.

Hindi naman ako masipag na estudyante, pero kataka-taka lang na mas trip ko pang pumasok sa klase nun. Kahit sa totoo lang, mas enjoyable pa ang elementary [ara sa akin kung ikukumpara ko sa buhay ko noong high school. Ewan.

College time na para sa akin nun. Hindi ko sukat akalain na sa kabila ng masamang lagay nun ng panahon e kailanagn ko pumunta sa eskwelahan at mag-aral, kahit mag-aral kuno lang yan. Hehehe!