Minsan ko narinig ang tanong na ito sa isang palabas na
tumatalakay sa isyung panlipunan sa legal na pamamaraan. Iku-quote ko lang ang
wikang iyun ni Atty. Persida Rueda Acosta (pero hindi sa eksaktong paglalarawan
ng salita): “Paano ka makakapamuhay ng tama kung namumuhay ka naman sa mundo ng
kasinungalingan?”
Hmm… Paano nga ba? *sabay nakapangalumbaba*
Iyan kasi ang hirap sa panahon ngayon e. Que sa usaping
panlipunan man o sa pinakapabortio ng ilan na tsismis sa lovelife, walang
katiyakan ang mga pahayag. Parang iyung sinabi lang sa akin ng isa sa mga
kaibigan ko na “Si *name of boy*? HMP! Hindi ko nga gusto iyan e!” Pero ‘wag
ka, makalipas lang ang ilang oras ay… sila na! PBB teens ba ang peg? At isa pa,
ang taong walang habas na umiiyak sa balikat ko dahil hiniwalayan siya ng
boyfriend niya. Ang sabi daw sa kanya e “pangako ko, hindi kita iiwan.”
Sinampal ko nga nang matauhan ang ale, “Ikaw kasi, nagpapaniwala ka sa damuhong
iyun! Ilang beses ka na ngang ginago eh.”