Simula noong nagsulat ako sa aking mga blog, maramaing tanong
ang bumulabog sa kaisipan ko. Maliban sa mga kritisimo ukol sa mga akda at punto
ng mga sanayasay ng aking opinyon, ay tungkol sa direksyon ng buhay at karera
ko naman ang mga tanong na ipinupukol sa akin.
At isa sa mga pinakatinatanong sa akin ay ito: “Bakit hindi
ka pa magsulat ng libro?”
Oo nga naman, bakit nga ba hindi pa ko magsulat ng isang
libro? Mantakin mo, mula noong 2010 ay mahigit 500 na ang mga artikulo mo sa
sariling blog site. At nag-evolve na rin lang naman ang istilo ng pagsusulat
mo, ‘di ba? At pakialam ba ng ibang tao na kini-criticize ang iyong gawa at
pananaw sa usapin kung sadya namang against the flow ang tingin mo sa mga ‘yun,
‘di ba?