Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

10 July 2012

TAPOS NA ANG PBB TEENS… E ANO NGAYON?

At isang kontrobersiyal na palabas na naman ang natapos na ang pagsasahimpapawid sa Channel 2. Sa sobrang kontrobersyal nito, laging laman ito ng mga usapan ke sa barkada man o sa mga social networking sites. Sobrang uso nito, mga pare’t mare, ha? Ang ultimo mga quotes na patama sa pag-ibig at kahit sa mga obvious na istilo ng mga linya ng isang kilalang komedyante e, laging naiuugnay ang palabas na ito (HUG MO KO. HUG MO KO…). At yan ay ang Pinoy Big Brother Teen Edition 4.


Ok, so tapos na ang palabas na PBB TEENS… E ANO NAMAN NGAYON?


Ewan ko. Hindi naman ako masugid na tagapanood ng mga ganyang palabas e. Minsan ko lang siya naabutan sa TV pero nung nalalaman ko ang mag eksena nung gabing iyun e walang pagdadalawang isip na pinatay ko na lang ang TV at napabuntung-hininga. “Ba? Ang sa lagay ba e ganun na lang ba talaga ang mga bata sa paligid ko? Hmmmm…”


Not necessarily naman siguro. Alalahanin mo, na hindi porket karamihan sa mga kabataan sa loob ng bahay ni Kuya ay mga tila malalandi na, e ganun na ang imahe ng Kabataang Pilipino as a whole. Ang sakit kaya nun no?


Pero ang siste kasi dyan e, ang lakas ng kapangyarihan ng media. Napakatindi ang kaya nitong ilahad sa mga mamamayan. Kung sa slogan ng palabas ay “ito ang teleserye ng totoong buhay…” hmmm. Ewan ko lang. at kung ito man ay sumasalamin sa buhay ng kabataang Pinoy ngayon…. Hmmmm…. Sabagay, kung anuman din kasi ang nakikita natin sa PBB Teens na yan e ganyan din ang nakikita sa mga parke’t mall, lalo na kung pagkatapos ng klase. kaya din a rin kataka-taka para sa akin.


At maraming naalibadbaran kasi kung sino pa ang mga nakikitaan daw ng tunay na potensyal na dapat maging big winner ng nasabing palabas e yun pa daw ang naalis at kung nakakarating ng big night e hindi rin deserving ang posisyon niya. Hindi na bago ang ganitong klaseng senaryo. Kung gusto mo ng pinaka-konkretong halimbawa, e kundi ang HALALAN o ELEKSYON sa lugar ninyo. Ang mga tulad ng PBB na dinidiktahan ng taumbayan kung sino ang mananatili at sino ang aalis ay maihahalintulad sa pagboto natin kung sino sa ating mga dyeskeng pulitiko ang iluluklok natin sa pwestong ninanais. Ngayon, magreklamo ka lang kung bumoto ka talaga. Baka diyan pwede ko pang maintindihan kung bakit ang bitter mo pa rin. At kung di ka naman bumoto at maglulupasay ka dyan sa mga pangyayari, e sorry ka na lang pero wala kang karapatan na magreklamo sa malamang.


Pero sa kabilang banda kasi, may pagaka-pera-perahan ang ganitong usapan e. Siyempre, kung sino ang malakas sa tuambayan, siya din ang iboboto. Siya ang sikat e. Siya ang pinag-uusapan. Siya ang may malakas na hatak. Siya ang may maraming friends sa outside world. Kung kaya ng iba na magwaldas ng limpak-limpak na salapi para lang magpaload at bumoto sa housemate na trip nila sa PBB (ke save man yan or eviction), well gagawin talaga nila yan. Money talk. It’s business. The more na maraming text votes or iba pang paraang para makaboto, e talaga tatabo sa kita ang palabas na iyun.


Pero anak ng pating naman oh, bakit nga ba kontrobersyal ang palatuntunang PBB Teens? E hindi naman na bago ito sa ating sirkulasyon? Ang dami kayang mga nagsulputang mga tao at balita mula nung una itong sumahimpapapwid sa Pilipinas halos 1 dekada na ang lumipas?


Dahil nga sa tinatawag nilang “kalandian” daw na nauuso dun. Kung ano pa man ang ibang dahilan… EWAN KO.


Isa lang masasabi ko. Nanalo na si Myrtle dyan, ang tinaguriang cosplayer ng Iloilo (tama ba?), isa sa mga taong laging laman ng news feed ko sa Facebook sa kada araw na nagtse-check ako nito. Isama mo na dyan ang ibang housemates na si Karen, Kit, at… hindi ko na kilala yung iba. Bahala sila dyan. Haha.


Kung hindi mo gusto ang nanalo, ayos lang magpaka-ampalaya ka… YAN AY KUNG BUMOTO KA TALAGA.


Pero para sa mga tulad ko na hindi naman trip ang Pinoy Big Brother Teen Edition 4, wala na akong pakialam dyan pagkatapos kong ilahad ang mga ito. At ang mga sobrang emosyonal na bitter dyan sa mga resulta ng naturang palabas…. Uso kaya ang pagmu-move on. Try mo! Hindi yung bibira ka pa ng luto. Para ka namang tanga niyan e.


TAMA NA ANG PANONOOD NIYAN, MGA BATA.... AT MAG-ARAL NA KAYO.



Author: slickmaster
Date: 07/10/2012
Time: 12:14 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions.

05 July 2012

Playback: PINOY U.S. COPS

07/05/2012  | 01:35 PM 
This is something that got me interested in tuning anew to BITAG LIVE: a program/segment which featured the Filipino-blooded law enforcement people with their lives and duties in Northern California.

PINOY U.S. COPS RIDE ALONG first aired at around the last quarter of the year 2011 in both channels of UNTV and AKSYON TV. It was in UNTV because of Ben Tulfo’s main daily program BITAG LIVE and it’s part of their numerous segments. While on the AKSYON TV they were contracted to be part of the channel’s ORIGINALS program block time. The program aired its first 2 seasons there and the third will be aired at PTV 4 on the first Saturday of August 2012, if they get it right (I only heard that anyway) and still to BITAG LIVE at 37 as well.

The likes of James Delos Santos, Jeff Camillosa, Hans Castillo and the others whom were destined at the places of Daly City, San Mateo County, South San Francisco, Northern California. (though not in exact location. I just tried to retrieve everything though.)

04 July 2012

BARS OVER BULLSHIT

10:29 PM 07/04/2012

Rap is a joke. Rap is an entertainment. But rap is also an art. An expression.

It’s everything. Pero ewan ko kung bakit naisip ko pa ang mga ito.

Bars over bullshit, isang bagay na matimbang sa rap ngayon na dapat maintindihan ng bawat tao. Actually nakita ko lang yang 3 salitang parirala na yan sa isang Facebook status ng isang underground rapper. Masyado lang akong curious siguro.

02 July 2012

Ang tunay na status, kusang nila-LIKE.

Oo nga naman. Sa panahon na nauso ang mga tila bentahan ng post fedbacks tulad ng mga like sa Facebook at favorite sa Twitter, e talagang may mga tao na aasta na parang magbebenta dyan, pero ang binebenta niya – ay ang status niya sa Facebook.

“tol/friend/pre, pa-like naman ng status ko oh. Thanks. J

Aminin mo, minsan sa buhay mo e nakabasa ka na sa mga chat messages mo ng ganito, kahit hindi sa eksaktong konteskto ng salita. Na minsan e may nagsend sa iyo ng mensaheng iyan. At... alam mko na idedny mo to, ikaw din mismo nakapagsend na ng ganyan sa mga friends mo sa fb.

Well, ganun talaga ang kalakaran sa mag social networking sites. Hindi mo lang binebenta ang sarili mo na base sa kung ano ang nakalagay sa About Me section mo,  pati na rin yung mga bagay na lumalabas sa isip mo na siyempre e natatranslate sa mga post mo, and at least hindi naman sa mahaliparot o mala-putang pamamaraan ha?

Pero may mga bagay kasi na dapat e nasa tamang lugar lang. Magpi-PM ka lang sa isang tropa mo para lang magpalike ng status? Hmmm...

The This-Is-a-Crazy-Planets Experience.






Yes, the title is right even if you argue that there’s something wrong with its last word. There’s a story behind that so make sure you at least reads that (or much better get a copy) before you make any prejudgments per se.

I was once curious on what the hell this book is all about when I first saw the post related to this book on a Facebook page.

Until one fateful day on January 2012, as I passed by at the National Book Store’s Superstore branch in Cubao Quezon City, Lourd’s book is something I noticed the most at one of its stands. Without thinking twice, I bought the copy.

I came home and ended up reading the entire piece in almost the entire day then.

“This is a Crazy Planets” is apparently a book of selected blog posts of the Radioactive Sago Project frontman-slash-TV personality Lourd Ernest H. de Veyra, all of his compiled write-ups can be seen at the website spot.ph dated 2009 to 2011.

As I read the book, few things come into my mind: it’s like… uhm, unexpectedly my imagination runs as if I’m visualizing that every single word that my mind utters, the Lourd speaks as if he’s on another Word Of The Lourd episode airing on either TV5 or YouTube.

25 June 2012

Ang patutsada sa isyu ng opisina’t relihiyon.

Isang pasada sa isang kamakailang mainit na balita. Kamakailan lang ay may panukala ang isang kongresista na ipagbawal ang anumang mga bagay na may kinalaman sa relihiyon sa loob ng mga opisina ng pamahalaan. Ayon kay Kabataan partylist representative Mong Palatino, ang House Bill 6330 ay naglalayon na i-ban ang ang mga gawaing may kinalaman sa relihiyon, kasama ang mga panalangin, misa, pagbababasbas at paglalagay ng mga anumang bagay na tulad ng crucifix, Bibliya, Koran at iba pa sa loob ng mga tanggapan ng gobyerno.

Ayon kasi kay Palatino, ang mga relihiyosong simbolong nakikita sa mga lugar na ito ay tila nagendorse ng isang particular na pananampalataya. Yung ibang empeyado daw e napipilitan daw na umattend ng mga misa at iba pang mga relihiyosong aktibidades ng kanilang mga superiors. Yung iba, hindi makagawa ng mga dapat na transaksyon tuwing lunch break dahil sa nasa misa ang mga kawani nito.

Naging isang mainit na balita na naman to sa iba. Kaliwa’t kanan ang mga taong naglahad ng opinion sa panukalang ito sa mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter at iba pa; at pati na rin sa mga blogs, at diyaryo sa iba’t ibang panig ng bansa.

24 June 2012

MIAMI Heat on total redemption.

One of the most scrutinized teams in the past 2 years; the Miami Heat made all the way to the NBA finals and nailed a championship.

They were barely criticized when they landed LeBron James and Chris Bosh to the South Florida squad join their draft-mate superstar Dwyane Wade, and still failed to manage to take home the championship then after losing to their once-upon-a-finale-rival Dallas Mavericks in the 2011 NBA finals.

Everything has changed then. They faced their finals opponent on their very first NBA regular assignment on Christmas day and won over them. It’s not just a revenge spelling on their acts anymore then, it started a circus run. Going up and down of the first four spots of the Eastern conference and eventually finished at the second spot prior to the post season party.

Sa sobrang luto ng laban....

(side A ng aking opinion ukol sa Pacquiao-Bradley series)

LUTO!!!!!


Yan ang sentimiyento ng karamihan ng mga boxing fans sa buong mundo noong nanalo di umano si Timothy Bradley kay Manny Pacquiao. Na-strip-off-an si Manny ng isa sa kanyang world-record 8 boxing titles sa kontorbersyal na pagkatalo nito sa Amerikanong boxer.

At walang kinalaman ditto ang pagkanta ni Jessica Sanchez sa panig ng Estados Unidos, ha? (wag shunga, mga pare)

Luto nga daw maituturing ang laban, e pano ba naman? Dalawa sa tatlong hurado ang nagbigay ng iskor na pabor kay Bradley, na tila taliwas ito sa mga nakapanood ng laban mismo. Mas lamang pa nga daw ang mga yakap ni Bradley kay Pacquiao. At sa majority ng mga parte o round ng laban e lamang daw talaga si Pacquiao. Ayon na rin yan sa iba’t ibang mga punch stats, pati na rin ang scoring ng media sa nasabing laban.

Teka, statistika ba ang usapan? Ba, ayon sa artikulo ng isa sa aking mga idolo ng si Quinito Henson, taliwas nga sa mga puntos ng hurado ang mga numerong lumabansa performance ng laban. Wala pa nga sa kalahati ng mga nagawa ni Manny ang kay Timothy, mula sa punches landed (253-139), percentage ng accuracy ng mga ito (34-19), more connected jabs (63-51) at power shots (190-108).
(source: Roach calls for investigation, pp. A-33 of the June 11, 2012 issue of The Philippine STAR)

Sa sobrang luto ng laban e nag-alburoto ang mga tao sa social networking sites, mula sa mga ordinaryong tao na first time gumamit ng Facebook hanggang sa mga celebrity na tweet lang ng tweet ng kani-kanilang mga blow-by-blow account sa buhay nila. Ang expresyon nila, pagka-dismaya sa resulta ng laban.

Sa sobrang luto ng laban, ang unang hininging bagay ni Freddie Roach, ang coach ni Pacman? IMBESTIGASYON. Ayon kay manong Freddie, dapat daw ma-expel ang mga huradong humusga sa laban na tila bumura sa malinis na record ni Pacquiao sa nakalipas na 7 taon. Pero hind isinisisi ni Roach ang Kano dun.

Call me maybe?


Call me maybe?

Familiar sa tenga mo no? Aminin mo.

Isa sa mga catchy tunes sa panahon ng pop music ngayon ay ang kanta ni Carly Rae Japsen na “Call Me Maybe.” Teka, ano nga ba ito?Isang kanta ng pagkahumaling ng isang babae sa isang lalake na unang beses niya nakita at napapaisip kung paano siya gagawa ng paraan para mapalapit sa kanya? Hmm…

Sabagay, para nga naman mapalapit ang tao sa kapwa, kailangan may matapang na magpapakilala. May mag-eeffort, in short. Kung babae sa lalake yan, pakikipaglandi ay isang pwedeng makukunsidera na termino. Pero anthem bang kalandian ito? Hindi ah. Grabe naman. Masyado naman yata tayong mapanghusga. Kala mo mga music major.

May konek? Oo, siyempre naman. Kaya nga nagiging hurado ang mga batikang mang-aawit sa isang singing contest di ba? Hindi naman sila instant celebrity na walang pormal na training.

Pero mabalik tayo sa usapan, napakapatok ng kantang ito.

23 June 2012

Lebron nails it. Now what?

This is it. LeBron James finally got his own ring! After that triple double and an insane 3rd quarter run, the MIAMI HEAT were crowned the 2012 National Basketball Association champions. Thanks to that tune of 121-106 score after those 48 minutes in Game #5 of the NBA finals.

Well, let me guess what are those critics and haters of the 3-time MVP will tell. He won MVP and finals MVP.