Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

10 August 2012

Ang Mabigat na Bagahe ni Habagat Noong Agosto 7, 2012.

08/10/2012 | 3:41 PM

Minsan ko napagtanto ang mga linyang ito habang pinagmamasdan ang baha sa aming magkakapitbahay na tumataas sa halos lampas-tao na ang antas: “Hindi nga ‘to isang bagyo tulad ni Ondoy, pero grabe ang hagupit, kasing tulad na nito.” Bagamat ang nasa isip ko pa rin nun ay hindi na kasing-sama ni Ondoy ang magiging dala nito. Pero isang bagay lang ang sigurado: Nagbabago na talaga ang panahon. Aba, sino ang hindi mag-aakala na ang mga simpleng buhos ng ulan pala dati ay nakakapaghatid na ng isang malaking delubyo ngayon?

At hindi ito usapin ng bagyo, ha? O typhoon, tropical storm, tropical depression o kahit ultimo ang low pressure area. Ang nangyaring kalamidad sa Kalakhang Maynila at sa iba pang mga kalapit na lalawigan? Dala lang ng tinatawag na “hanging habagat.” Iyan ay ayon sa mga ulat-panahon. Southwest monsoon, o yung mga hangin na galing pa ng timog kanluran. Literal. Yung may dala ng mabibigat na ulap na papawirin na may dalang pagkulog at pagkidlat (tama ba?). Kadalasan ito tumatama sa ating bansa, mula kalagitnaan ng Mayo hanggang Oktubre kada taon. At sa panahon na din ito madalas tumatama ang bagyo sa ating bansa na isa sa mga tropical na lugar sa buong mundo.

Sa panahon na isinusulat ko ito, 49 na katao (26 sa National Captial Region) na ang kintil ng Habagat na iyan, isama mo na ang bilyong pisong danyos sa mga ari-ariang imprasraktura sa 80 lungsod at munisipalidad na apektado nito, agrikultura at iba pa, basurang naglipana sa nga lugar na binaha at 2 milyong kataong apektado ng sama ng panahon. At sa malamang, ang karamihan sa mga ito ay nawalan ng tirahan, nasiraan ng mga gamit sa loob ng bahay, may-ari ng tumaob na ilang mga sasakyan, nastranded sa biyahe, nalugi ang negosyo, hindi nakapasok sa klase’t trabaho, at iba pang mga bagay na may kaugnayan sa mga pangyayari noong Agosto a-7, taong 2012 isama mo na dyan ang humigit-kumulang 580 libong katao na naging pansamantalang tirahan ang mga evacuation centers. Ayon iyan sa huling ulat ni Kim Patria sa Yahoo! News.

Sa sobrang kasalimuotan na dala ng hanging habagat dito sa nakaraan na mga araw, suspendido ang mga klase sa lahat ng antas at pati na rin sa mga opisina ng pamahalaan at ilang mga kumpanya (depende sa diskresyon nila) noong araw na iyun sa NCR, at mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna. Idineklara iyan sa bisa ng Presidential Proclamation #33 madaling araw ng Agosto 7, 2012. buti na lang, nag-abiso kagad ang Malakanyang. Yun nga lang, isang linggong walang pasok ang mga estudyante nito, parang noong Ondoy lang. And not to mention, ilang Lunes na kaya na walang pasok ang mga bata sa nagdaang mga linggo, ‘no?

Makalipas ang ilang mga araw, idineklarang State of Calamity ang mga lugar sa NCR at ang mga apektadong lalawigan sa Luzon.

May mga naglabasan pa na spekulasyon. Coincidence nga ba ito sa berso ng Genesis 8:7-12? Ang nasabi kasi sa mga berso na yan sa bibliya ay ilan sa mga linya ukol sa arko ni Noah. At dahil nangyari ang nasabing delubyo sa Luzon 1 araw matapos ang nakatakda sanang delibersayon ukol sa RH Bill, bagay na tahasang tinututulan ng mga grupo ng Simbahang Katolika dito sa Pilipinas. Naku naman, wag nyo nang lagyan ng kulay ang petsa at ang mga pangyayari. Ika nga ni Fr. Melvin Castro, executive secretary of the Episcopal Commission on Family and Life of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, hindi dapat mag-jump sa conclusion ang mga Pinoy. Ayan ha, respeto naman sa taas, oh.

Pero sigurado sertipikado, sapaw na naman ang isyu ng RH bill na iyan pati na rin ang pagpili sa susunod na uupo sa napatalsik na Chief Justice Renato Corona niyan.

Sa bigat ng debastasyong dala ni Habagat, halos kasingdami na o lagpas pa nga yata diumano ng ulang naibuhos nito ang nagawa ng Bagyong Ondoy nooong Setyembre 25-26, 2009. Aba, ilang araw din kaya ang walang tigil na pagbuhos ng ulan noon. Grabe lang.

Kaya nga naitala na naman ang isa sa mga pinakamataas na antas ng tubig na umapaw sa Ilog ng Marikina ng mga sumuod na araw. Pangalawa lang ang naitalang 21.5 meters noong mga nakaraang araw kung ikukumpara sa lebel ni Ondoy noon na umabot sa mahigit 23 metro. At ang basehan naman nun? Maliban sa mga naka-display na marka sa mga tulay ng ilog ay ang leeg ng statwa ni Marikit sa Marikina River Park, Sta. Elena ng nasabing lungsod. Pero either way, ang tindi ng epektong hatid nito. Nalubog ang mga kalsada sa tabi ng ilog, pati na rin ang mga kabahayan, halaman at kahit ang istatwa ng kalabaw sa tabi ng mall dun. Kung sa Marikina na kinatitirkan ko sa halos buong 22 taon ng buhay ko ay ganun ang inabot, e pano pa kaya ang ibang mga lungsod at probinsya? Mga salaysay ng mga nabiktima, litrato’t bidyo ng mga balita lang ang mga tanging saksi sa mga ganyan.

Sa sobrang lakas ni Habagat, naging instant swimming pool na naman ang underpass sa Quiapo, at isama mo na dyan ang Lagusnilad. At hindi rin madaanan ang ilang portion ng North Luzon Expressway. Aba, ang isa sa mga premyadong highway sa Pilipinas, binabaha ng ganun lang? Ang kalye ng EspaƱa? Aba, lagi naman dyan e. Hindi na ko magtataka.

Ayon sa mga ulat-panahon at balitang napanood ko sa TV at napakinggan ko rin sa radyo (kung tama nga ang pagkakaalala ko sa mga yun dahil pahapyaw ako makasagap e dala na rin ng pagkawala ng kuryente sa aming lugar) ay kaya ganun na lang ang mga nangyayari sa nakalipas na araw dahil sa mga ilang araw na bumubuhos ang ulan. Nagiging saturated na daw ang lupa, hindi na makasipsip ng mga tubig na binubuhos pa ng kalangitan. Ang iba, nagpakawala pa ng tubig ang mga dam. Nasaktuhan pa na umaapaw ang Laguna de Bay yata. Ayan na naman tayo e. Baka may mag-gigisahan pang magaganap sa Senado ‘to ha? Dapat nga natuto na tayo mula pa kay Ondoy e.

Isang bagay lang ang sigurado dito: NAGBABAGO NA TALAGA ANG PANAHON. Ang mga simpleng buhos ng ulan, hindi mo sukat akalain na grabe pala ang maidudulot nila sa ating paligid. Huwag sisihin ang PAGASA dahil sa mga hindi kongkreto ang mga pasintabi nila sa mga bagay-bagay (kaya nga may cellphone, media at internet naman, ‘di ba?) o ang mga pulitiko’t kumpanyang naghahatid ng relief goods kung bakit isang pakete lang ng biskwit o isang styro lang na ang laman ng lugaw ang kanilang dala-dala (aba, kayo pa ang may lakas na magdemand? Buti nga binigyan pa kayo e. Daig nyo pa ang pulubing humirit sa akin ng “pwede bang barya, kuya? Ayaw ko ng pagkain e.”). Pambihira naman oh.

Dahil hindi na talaga matantiya ang panahon, (at teka lang, kelan ba naging predictable ang mga ito anyway?) isang salita lang ang ating katapat: MAGHANDA.


Sources:

Narito ang ilang mga litrato na kuha ng inyong lingkod mula noong kasagsagan ng Habagat hanggang sa pagkatapos nito.



















(This article was published at Definitely Filipino dated August 10, 2012) 

Author: slickmaster  |© 2012 september twenty-eight productions.

06 August 2012

BAKIT BA HINDI MATAPOS-TAPOS ANG DEBATE SA RH BILL?


Bago po ang lahat, hinihikayat ko po ang lahat na maglahad ng opinyon sa isyung ito sa maayos na pamamaraan. Igalan po natin ang pananaw ng bawat isa at wag pong mamemersonal. Maraming Salamat po, mga tol.

Babala: Ang mga nailahad sa blog na ito ay pawang opinyon lamang ng awtor. Striktong Pag-unawa at pag-Galang ko ang kailangan. 

Reproductive Health Bill (Photo credit: kuro-kuro.org)
Ang tagal na nito ah! Ilang taon nang pinaguusapan to. Nagbago na rin ang mga pamagat at administrasyon. Nakatatlong SONA na ang kuya mo. Pero ang tanong, bakit hindi maipasa-pasa ang House Bill No. 4244 or An Act Providing for a Comprehensive Policy on Responsible Parenthood, Reproductive Health, and Population and Development, and For Other Purposes, o sa medaling salita, ang RH Bill?

Ang HB 4244 ay unang inilatag sa Kamara de Representantes ni Albay Congressman Edcel Lagman, habang si Miriam Defensor Santiago ay may Senate Bill  No. 2378 or An Act Providing For a National Policy on Reproductive Health and Population and Development. Unang prinoposed ang RH Bill noong 1998 sa nasa panahon pa ng 15th Congressat ang mga taong nagpanukala nito ay sina House Minority Leader Edcel Lagman of Albay, HB 96; Iloilo Rep. Dale Bernard Tuddao, HB 101, Akbayan Representatives Kaka Bag-ao & Walden Bello; HB 513, Muntinlupa Representative Rodolfo Biazon, HB 1160, Iloilo Representative Augusto Syjuco, HB 1520, Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan. **

Pero 1998 pa yun. Anong petsa na? nauna pa nilang iimpeach sina dating Ombudsman Merceditas Guttierez at ex-Supreme Court Chief Justice Renato Corona? Nakulong na nga ang kabaro nila at nakalaya na nga ulit lahat-lahat, natalo na si Pacquiao na isa rin sa mga colleague nila sa Kongreso. Pero itong isa sa mga dapat pinagtutuunan ng pansin na panukalang batas… PENDING pa rin? Anak ng pating naman oh.

14 years na naipanukala ito kaya sa malamang long overdue na rin ito kung maituturing. Halos walang pinagkaiba sa mga batas na napagiwanan na ng panahon at kung recent issues ang usapan, isama mo na ang National Artist Award para kay Comedy King (pero hindi na nila saklaw yun).

Buti na lang, isa ang Reproductive Health Bill sa mga top priority bills ngayong taon. Aba, dapat lang, ano. Pero yun nga lang, may bibira dyan, hindi kaya hinahapit na ang ganitong klaseng panukala? Sa lipunang napakalaya at iilang naghahanap ng butas, hindi na ko magtataka sa mga ganitong klaseng sentimiyento. Inunahan ko na lang.
Isa ang RH bill sa mga pinakakailangang batas ng bansa ngayon. Yun nga lang, kailangan itong maimplementa ng maayos at huwag san matulad sa pumaplya na tulad ng RA 9344 o ang batas ukol sa Juvenile Justice.

Maraming mga tinig na umalingawngaw mula sa magkakabilang panig ng nasabing isyu. Mula kay Carlos Celdran hanggang sa mga pari sa Catholics Bishops Conference of the Philippines, hanggang sa mga business groups, mga kilalang personalidad sa lipunan at pulitika, at pati na rin sa mga netizens sa mga social networking sites. Kung meron man walang pakialam dito,  yan ay yung mga taong salat pa sa isyung ito. (aray ko po!) Malamang, dapat asahan mo nay an, lalo na sa isang demokratikong lipunan tulad ng Republika ng Pilipinas. “It’s a free country, you can do whatever you want,” ika nga ng isang tanyag na noontime show.**

Hindi kaya ito rin ang dahilan kung bakit hindi madesisyunan ang RH Bill? Sa sobrang dami ng opinion, argument at nakikialam, e hindi makausad o masagot kung dapat ba itong ipasa o hindi?

Hindi rin e. dahil hindi naman lahat ay either YES or NO ang boses sa RH Bill. Yung iba dyan, katulad ng sinabi ko kanina, “wapakels.” (Aray na naman, double black eye na ha?) ‘de, ito yung sa akin. Hindi ko pa tuluyang mailalahad ang sagot ko. Noong una kong sumulat ng blog ukol sa batas na iyun, sa “neutral” side pa ako. Hindi naman saw ala akong pakialam. Pero aminado po ang inyong lingkod na bago ako ilahad ang pananaw ko ukol sa isyung ito e kailangan ko ng mabusising pag-aaral sa batas na ito. At kailangan ko din na timbangin ang mga opinion ng iba na posibleng makaimpluwensya rin. Kung rpo-choice ba, o pro-life.

Minsan, kinwestiyon ko ang pakikialam ng Simbahan ukol sa nasabing batas na ito. Ayon sa isa sa mga kaibigan ko na blogger din dito sa Definitely Filipino, hindi naman sa nakikialam ang simbahan pagdating sa teknikalidad, pero kapag moralidad na raw ang usapan, ditto na raw sila nanghihimasok. Hmmm… may punto rin pala. Pero saklaw pa rin ba kaya yun ng separation of the church and state? Hindi ko masasabi kahit napag-aralan ko ng husto ang Pol Sci noon. Nalalabuan pa rin ako parang mata ko lang sa isyung ito.

Sa pag-oobserba ko, ang mga kaibigan ko ay PRO sa RH Bill. At meron din naming ANTI, pero aabutin tayo ng siyam-siyam kasi sa pagbibilang ng mga dahilan nito e. Blog post lang ang kaya kong isulat sa oras na ito, hindi po chapter ng nobela. Hehehe! **

Isang magandang batas pala na pagtalunan ang RH bill, pero utang na loob, dapt matapos na ang pag-aaway ng mga tao ukol sa isyu na ito soon. Pero, isang magandang batas nga ba ito para sa bansa kung ganoon? Masasabi na rin na oo. Kaya lang, mahirap pumanig sa isang side nang hindi mo lubusang naiintindihan ang paksang pinagtatalunan. Napakasensitibo ang topic na ito, sa sobrang sensitive, yung iba, halos magpatayan na sa salita.

Kaya para sa neutral pa na tulad ko, ito na lang siguro.

Welcome po na sumagot kayo sa isyung ito, pero hinihinikayat kop o na walang personalan na mga tirada, ha?  Igalang po natin ang opinion ng bawat isa, que ANTI man kayo o PRO. Yun lang, maramaing salamat po sa mga sasagot, at Mabuhay po kayo.

Sources:
1 - http://en.wikipedia.org/wiki/Reproductive_Health_Bill
2 - http://www.youtube.com/watch?v=hDHSRYXn2PM
3 - https://www.facebook.com/photo.php?fbid=482895178387335&set=a.163406853669504.38385.163404643669725&type=1&ref=nf\
4 - https://www.facebook.com/antirhbill
5 - https://www.facebook.com/groups/196738137099371/
Author: slickmaster
Date: 08/06/2012
Time: 01: 25 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

04 August 2012

Playback: Loonie – Tao Lang (Official Music Video)

08/04/2012 08:30 PM

I haven't made any posts for the Video of the Week recently. But I'll have a lot of them soon, so better watch for that!

Since I've been digging the Internet for most of the recent times, I spotted a lot of things that suited my interests such as music, humor, news, and rap battles. So at this moment, I decided to take a pick on some mini-flicks that made it to my favorites.

For this week, I have the music video of Loonie's premier single Tao Lang.

01 August 2012

HUWAG NA LANG KAYA?

Isang malamig na Linggo ng hapon, habang umuulan sa labas ng bahay at sa kape’t footlong na may hot sauce nagbabakasakaling mainitan ang aking sikmura. Narinig ko ang isang kanta ng bandang True Faith na sumapul sa akin. 

Umaakma ata sa sitwasyon ko na napakakumplikado. Itutuloy ko ba ang pagsuyo o hindi? Hindi kayang sagutin ng sinuman ang nasabing suliranin. Kahit humingi pa ko ng tulong sa mga tulad ni Papa Jack. Hindi ko na lang mapiligilan ngunit ikanta ang lahat, pero ayos ana kung nakikinig siya e no? 

Halos nakamove on na kasi ako, hanggang sa biglang nagparamadam ang ale. Tila sinasambit na “wag ka namng mawawala.” Babalikan ko ba ang nakalipas at pormahan siya ulit na parang bago lang kami magkakilala ulit. 

Ang pag-alala kay Friendster.

Bago nauso ang Facebook, may mga social networking sites pa patok na patok nun sa mga internet users. Andyan ang MySpcae, pati na rin ang Multiply, at iba pa; pero ang pinakanumero unong ginagamit ng tao ng mas madalas lalo na dito sa Pilipinas ay ang Friendster.

Halos 1 buong dekada namayagpag sa world wide web ang Friendster bilang isang social networking site. Isa sa mga malalaking porsyento ng mga taong tumatangkilik nito ay ang Pilipino. Hmmm… bakit kanyo? Ewan ko, basta mahilig ang karamihan sa atin na makipagkaibigan e.

30 July 2012

WATERPROOF!



Aminado ako na noong bata ako, isa ako sa mga taong tuwang-tuwa kapag walang pasok. Pero hindi nga lang din sa lahat ng pagkakataon. May mga panahon din kasi nun na kung kelan nagsuspend ng klase ang DECS (Yun pa ang pangalan nila bago maging DepEd e) saka naman tila umaayos ang panahon. Nakakahilo lang na parang, ano ba talaga ate o kuya? Minsan natatanga na lang ako sa gilid at napapaisip nun na “Naku. Baka may pasok na ha? Dinaya lang ako ng TV.”

Pero siyempre, mali ako dun.

Hindi naman ako masipag na estudyante, pero kataka-taka lang na mas trip ko pang pumasok sa klase nun. Kahit sa totoo lang, mas enjoyable pa ang elementary [ara sa akin kung ikukumpara ko sa buhay ko noong high school. Ewan.

College time na para sa akin nun. Hindi ko sukat akalain na sa kabila ng masamang lagay nun ng panahon e kailanagn ko pumunta sa eskwelahan at mag-aral, kahit mag-aral kuno lang yan. Hehehe!

28 July 2012

Why Ya Hating Jamich?

07/28/2012 9:30 PM

Panahon ng mga viral, tulad ng isang magkasintahang nagngangalang Jamvhille Sebsatian at Paoline Michelle Liggayu. Sa panahon ng viral hits, kasikatan at hate-fest sa magkabilang mundo ng social media.

Dolphy FTW on the National Artist Award

07/13/2012 | 12:26 AM

Long overdue na kaya! Dapat nga noong 2009 pa ginawaran yan ang National Artist Award e.

Nang dahil kay MISS-COMMUNICATION.


Minsan kong narinig ang isang kasabihan na ito kay Papa Jack nung minsan ako nakinig ng kanyang True Love Conversation sa 90.7 Love Radio noong 2009: “Maraming mga taong nag-aaway at relasyong nasisira nang dahil sa dalagang nagngangalang MISS-COMMUNICATION (MISCOMMUNICATION).”

Medyo nakakatawa din, pero kahit papano, matindi rin ang patama e. OO nga naman.kapag hindi nagkaintindihan ng mensahe ang isa sa inyo, aasahan mo ba na hindi magkakaroon ng ‘di pag-kakaunawaan? Lalo na kung makitid pa ang kamalayan ng isa sa inyo? Delikado iyan.

Sa basketball nga pag nagkaroon kayo ng isang miscommunication sa isang play, malaking pagkakamali na iyun, lalo na kapag crunch time. Ganun din sa ibang sports, at pati sa ibang aspeto ng buhay natin.

Kapag hindi ka tumupad sa usapan nang walang pasintabi kahit sa text man lang, aasahan mo bang magiging ok pa kayong dalawa? Swerte mo kung ganoon pa ang mangyayari, kung maiintindihan niya ang iyong mga dahilan. Pero paano kung hindi o wala na sa tamang lohika ang eksplanasyon? Patay.

27 July 2012

Anong Pake Ko Sa Instagram Mo?

27/07/2012 | 12:07 AM

And same goes sa mga taong may hawak ng mga pumapatok na mga gadget at apps ngayon. Ano naman kung may ganyan kayo? Kailangan bang ipagyabang sa akin yan? Ha?