September 21, 1972. Araw ng
Huwebes. Sa bisa ng Proclamation #1081, idineklara ng Pangulo noon ng Pilipinas na
si Ferdinad Edralin Marcos ang Martial Law. Ang pinakapangunahing dahilan sa
pagdeklara nito ay ang labis na karahasang nagaganap sa kanyang panunungkulan.
Ayon naman sa ilang mga kritiko niya, ito ay naisabatas para magtagal siya sa
kanyang kapangyarihan. Tuluyang naimplementa ang batas-militar nang alas-9 ng
gabi ng Setyembre 22, araw ng Biyernes; at inanunsiyo niya ito sa lahat ng
istasyon ng radio at telebisyon na umeere sa buong bansa sa oras na alas-7:30
ng gabi noong Sabado, a-23 ng Setyembre, 1972.
Reader Advisory
Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
21 September 2012
20 September 2012
The Senator and The Cyber Mob
Babala: Ang mga nilalaman ng blog na ito ay pawing opinion lamang ng awtor.
Nagsimula sa isang usapin sa RH Bill, napunta sa plagiarism, cyber-bullying, at hanggang sa nauwi sa isang panibagong batas. Iyan ang isa sa mga kalbaryong nagaganap sa Pilipinas ngayon. Isang pasada sa isang… whew, maiinit ng mga pangyayari.
Kontra kasi ang mambabatas na si Senator Vicente Sotto III sa matinding usapin sa RH Bill. At isa sa mga privilege speech niya ukol dun ay halaw pala sa isang blog na naglalarawan ng halos kaparehong sentimiyento sa pananaw niya. Umalma si Sarah Pope, isang blogger at ang reklamo niya: Kinopya ng mga manunulat ni Sen. Sotto ang ilang mga linya mula sa kanyang akda at hindi man lang ito kinilala. Ayon naman sa napag-uusapang senador, “bakit ko iko-quote ang blogger na iyun? Blogger lang yun.” Bagay naman na inalmahan ng karamihan, kasama na ang inyong lingkod. Oo nga naman, parang hindi naman yata tama ang ganung argumento. Ang dating kasi ay parang minaliit ang mga kakayahan ng mga "blogger." And with all due respect, maraming mga magagaling na manunulat na nagsimula sa pagba-blog. At may mga magagaling na nagba-blog pa rin.
Pero ang pamumutakte kasi ng karamihan sa kanya ay sobra na rin e. Mantakin mo ha? Na-target siya ng mga “memes,” literal binubully siya kahit sa ganung pamamaraan. Naging incorporated ang kanyang apilyedo sa kada pangtitrip ng karamihan ukol sa plagiarism o copyright infringement pa yan. Aba, sa google nga, nakita ko talamak na ang post na ganyan e.
Kaya ba siya tumawag ng “foul” ukol dun at sinabi na biktima siya ng cyber-bullying? Maari.
Hanggang sa isa siya sa mga may-akda ng Republic Act 10175 o ang Cyber-crime Protection Act of 2012 na nilagdaan lang kamakailan lang ni Pangulong Benigno Aquino III. At sa pang-ilang pagkakataon na ay umaalma na naman ang mayorya sa batas na ito, lalo na sa probisyon ng electronic libel o online defamation. Tila sagasa ito sa kalayaan ng tao na magsalita.
Kaya ayan, batikos na naman ang mga alburoto ng mga bulkan, este, ng mga tao nito.
Pero, ito lang ang sa akin. Mali man ang ginawa ng senador kung ako ang tatanungin, pero mas mali naman ang ginawa ng mga tao sa kanya. Bakit kanyo? Kalian pa naging mabuti ang tahasang pambubully? Maging trending nga, pero sa panig naman ng kalokohan? Hindi sa masyadong seryoso, ha? Alam ko na karamihan kasi sa atin ay ginagawang katatawanan ang mga nagaganap minsan, pero alalahanin din natin na may hangganan din ito. Kung inaapura mo kasi ang tao, talagang may magagwa ito na hindi maganda laban sa iyo. At kapag nangyari iyun, wala kang karapatan na magreklamo pa laban sa kanya. Inapura mo nga e, gago ka ba?
Sa totoo lang, ke kung isa man siya sa mga may-akda talaga ng cybercrime act o hindi pa kumpirmado sa listahan (pakiupdate po), e hindi na rin ako magtataka. Binully niyo e. Sobra-sobra din kasi kayo kung manghusga. Ayan tuloy, ano ang napala niyo? Sino ang mas na-gago? Sino ang umuwing luhaan? Kayo din.
Author: slickmaster | Date: 09/19/2012 | Time: 03:02 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions
17 September 2012
Load
09/15/2012 | 7:07 PM
Ako po si Jun, 21 anyos, single since birth bagama't hindi naman ako maituturing na isang ganap na desperadong romantiko.
May nakilala ako sa internet. Siya si Glenda, 19 anyos, kakagraduate lang mula sa isang pamantasan sa kursong nursing. Pero hindi sa istorya ng pag-iibigan iikot at kuwentong ito. Saan ba? E di magbasa ka ng malaman mo.

Playback: Gloc-9 – Alalay ng Hari
09/17/2012 11:30 AM
(halaw mula sa pangalawang berso
ng kantang ito)
‘Pag COLD SUMMER NIGHTS ay napapraning
MERON AKONG ANO na ‘di bading ang
dating
Silang mga UBOS BIYAYA na laging lasing
Mga NILAMON NG SISTEMA na andyan pa rin
Kabulok ang nangangamoy
kahit dumadaan sa korte
Sino ang kumain
ng isang kilong MAHIWAGANG KAMOTE?
Kaya MGA KABABAYAN, ITO ANG GUSTO KO
Hindi ka dapat
mahiya KAHIT ILONG MO AY PANGO
Kasi TAYO’Y MGA PINOY, anuman ang mangyari
May MAN FROM MANILA na palaging magsasabing
ONE CAN’T TALK PEACE IF YOU HAVE A GUN
Handa ka bang
ipaglaban ang THREE STARS AND A SUN?
Hindi ko alam kung naging single
na ba ito ng rapper artist ni Gloc-9 sa ngayon. Ito ay isa sa mga kanta niya na
nagawa mula sa kanyang album na Mga Kwento Ng Makata na kaka-release lang
ngayong taon under Universal Records. Kasama niya sa kantang ito ay si Allan
Mitchell Silonga na siya naman kumanta ng chorus nito. Nagkasama na ang dalawa
sa kantang Alay .
Nilarawan ni Gloc-9 dito ang iba’t
ibang kwento na gusto niya ilahad. Ang kwento ng isang artistang tulad niya
kung paano siya nakagawa ng kanta, nagpursige sa kanyang karera, nagustuhan ng
tao at napahanga ang mga ito. Tila isang tribute ito sa isang tinaguriang
master rapper, ang pinakahaligi ng rap sa Pilipinas na si Francis Magalona. Si
Francis M kasi ang lubos na nakatulong kay Gloc-9 na maging isang ganap na rap
artist. Isang pagtanaw ng utang na loob? Hindi lang. Pagsunod sa yapak ng isang
alamat? Hmm… Basta, astig lang ng kantang ito.
Kung napanood niyo ang kwento
niya sa palabas na documentary ng GMA News na iWitness, malamang, napakinggan
niyo ito kahit minsan at saglit lang dun.
Nakaka-LSS (Last Song Syndrome)
lang siya para sa akin ngayon dahil sa totoo lang, ito ang mas gusto kong
pakinggan na mga kanta. Hindi lang ang genre ng hip-hop, kundi ang mga kantang
may matitinding mensahe sa buhay. Inspirasyonal pa nga ito kung maituturing, na
parang kung bibigyan mo ng magandang kahulugan e para kang nakikipag-usap sa
supreme being mo. Na ‘wag kang sumuko kahit sabihan ka pa ng tao na “bakit ka ba laging kasali?”
At kung mapapansin niyo ang ilang
linya mula sa kantang ito na binanggit ko sa akda po na ito, mapapansin niyo na
karamihan sa mga naka-CAPITALIZED at BOLD
na mga salita ay mga kanta ni Kiko, at kung hindi man ay mga ilang mga
linya sa mga ito. Parang kumbaga sa mga elemnto ng rap battle bars, ito ang
tinatawag na reference – ang pagtukoy sa mga pangalan na pamilyar sa hip-hop o
rap. (Kung tama nga ba ang pagkakaintindi ko ayon na rin sa pag-eksplika ng
isang underground rapper sa kanyang Facebook notes) at wordplay, kung paano
niya nilalaro ang salita na ayon sa kanyang kagustuhan at pagkakaayos.
Maliban pa diyan, parang may
patama sa mga napapanahong mga pangyayari at mga tao ang ilang mga kataga sa kantang ito kung
pag-iisipan ng malaliman ito.
Agree ako sa sinabi ng isa sa mga
online buddies ko sa Facebook, ang nasabing mga kataga dun ay ang pinakamagandang
part eng kantang ito.
Nang dahil sa kantang ito, mas
sumasaludo ako kay Gloc-9 para sa pagtaas ng bander ng rap sa Pinas. Maliban pa
sa kanyang mga nagdaang album at kanta, tunay nga na maituturing na makata ito.
Author:
slickmaster | © 2012 september twenty-eight
productions
Alaala Ng Isang Tambayan
09/15/2012 06:35 PM
Sa oras ng gabi, isa akong
“batang-gala” sa kalye. Madalas nagmumuni ako mag-isa o may kasmaang barkada.
Napapunta kung saan-saan, mula sa tindahan ng uncle ko, sa basketball court, sa
kalapit na kainan, o sa isang computer shop lamang. At sa lahat yata ng mga
computer shop na nirentahan at tinambayan ko, isa lang talaga ang nagsilbing
bilang pangatlong tahanan ko.
14 September 2012
Epal
09/14/2012 10:50 AM
Photo credits: Definitely Filipino; obtained through Pinoy Gigs |
Epal. Isang salita na tumutukoy sa taong pagiging mapapel, yung mga sobrang papansin, at laging nakikisale(?).
12 September 2012
Sa Sobrang Kumplikado ng Pag-ibig...
08/02/2012 04:36 PM
Sa totoo lang, kumplikado nga ba ang pag-ibig, o ‘yung mga tao lang ang nagpapagulo nito? Extreme emotions kasi ang kayang idulot ng nito sa ilang mga tao, depende na iyan kung kasiyahan ba o kabiguan.
Pero sa kabilang banda, iba din ang takbo ng isip ng bawat tao. Kaya kahit magpaka-mind-reader ka pa, walang katiyakan. Lahat ay nagbabago sa kada tika ng oras.
10 September 2012
OPM IS DEAD? I DON’T THINK SO.
Aba, ang musika ng Pilipino, mamamatay?
Ows, hindi nga?
Sa totoo lang, hindi ako isang maalam na tao sa musika. In fact, isang hamak na music lover lang po ako. At sadayng opinonated na tao. Pero para sabihin na patay na ang Original Pilipino Music? Teka, parang kaduda-duda yata yan ah.
Kamakailan lang, naglabasan ang mga artikulo na naglalahad ng kani-kanilang mga opinyon na tila bumabagsak na daw ang local music industry sa Pilipinas. At sa reaksyon ng karamihan ng mayorya, pinutakte ang artikulong “OPM is dead, so sue me” ng GMA News*. Tila hindi nila ito nagustuhan, at yung iba dyan, as usual... (naku, asa pa kong mawawala ang mga putok-sa-buho na iyan ano?) mga wala sa hulog na banat na kung tumira.
Sa totoo lang, may punto rin kung bakit nila maituturing na patay na para sa kanila ang musika sa Pinas. Sa trend kasi ngayon, usong-uso ang mga revival, at mahahlata mo iyan sa kaliwa’t kanang mga cover sa YouTube na nagiging avenue na rin para sa mga ilang artista para sumikat at gumawa ng sariling record.
Kung makikinig ka ng mga radyo sa ngayon, ano ang madalas mong mapapakinggan, maliban sa mga tulad ng K-Pop, iba pang mga musikang pang-banyaga na galing sa mga bansa sa Europa at Estados Unidos, at ang mga nakakakuliling sa tenga na mga novelty na kanta, isama mo na ang mga romantikong ballad dyan na gasgas na sa tenga. Mga halatang pang-benta lang na bagay at isama mo na rin dyan ang mga artista mula sa ibang panig ng showbiz na hindi ko alam kung nahasa ba talaga ito sa laranagan ng pagkanta o para may dagdag pogi o ganda points lang.
Isa pang malaking dagok dyan ay yung pag-sara ng isang recording company na tila isang knock-out sa indutriya, kumeptisyon sa negosyo at karera ng mga talent at mga prospect.
Pero sapat na ba iyan para sabihin na patay na ang OPM?
Sa tingin ko, hindi. Oo, HINDI talaga. At marami pang mga bagay dyan ang magpapatunay kung bakit buhay na buhay talaga ang OPM.
Maraming mga lokal na mang-aawit ang nagtatagumpay sa pakikipagsaparalan sa ibayong dagat at may magagandang karera pa sa mga nasabing lugar. Isa pa, world-class kaya ang talent ng mga Pinoy.
Kung pagbabasehan mo ang mainstream, e marami kayang mga artista ang namamayagpag sa indusriya. Be it rapper, soloist, romantic balladeer, at mga banda. Siguro kung may kulang sa mga ganuitong bagay? Yun yung mga kanta na may kabuluhan. Yung mga may mensahe. Hindi lang yung pang-benta lang. Society needs, ika nga, instead of their wants. Kelangan ang mga ganyang klaseng musika ng exposure. Maraming mga magagaling, dyan lang sila kulang... sa pagpansin ng nakararami. Kung papansin mo kasi ang mga ipinapakita ng media sa iyo ngayon, e... karamihan dyan, panay hangin ang laman e. Walang kalidad ba. Yung iba, pinasikat kahit hindi pa ganun kahasa. Yan siguro ang bad side. I mean, baka maituturing pa na naghihingalo na ang OPM industry dahil dyan. Pero linawin ko lang ha. Sa mainstream yan. Kung pangkalahatan ang usapan, iba ang sitwasyon.
Ito lang siguro, ano po. Bago mo sabihin na patay na ang OPM, subukan mo munang gumala sa gabi, papunta sa mga bar dyan tulad ng 19 East, 70s Bistro, Cafe Lupe, Blue Wave, Metrowalk, at iba pa. At baka doon mo lang malaman na buhay na buhay ang musika sa Pinasn kahit alam natin kung gaani kahirap ang mag-produce ng album kung pera-pera ang usapan. Hindi lang pang-Pop ang OPM. Maraming mga may magagaling at may potensyal kesa sa mga ipinapakita sa TV at naririnig sa radyo.
At buti na lang, may mga magagandang hakbang pa at least ang ginagawa ng mga taga-mainstream. May ginanap na song-writing contest, may mga event para i-promote ang kani-kanilang mga genre, at ultimo ang website na pwede ka na bumuli ng mga kanta sa tingi na halaga. Kahit sabihin na natin na “parang iTunes lang e” mas ok naman na ang ganito kesa sa umasa sa mga libre pero ilegal na download. Buti sana kung pinayagan yan ng mga artista mismo. Sabihin man antin na “it’s business, after all” e may beneficial factor naman para sa parehong mang-aawit at mga tagapakinig na hindi kayang higitan ng halaga ng pera.
Isa pang bira, kung sinumana nag nagsabi na OPM is dead, e... wala tayong magagawa. Opinyon niya yan e. Pero mawalang galang lang din, sa tingin ko may mga punto na tama sa sinabi niya PERO KARAMIHAN DUN AY KAYANG PATUNAYAN NG REALIDAD NG BUHAY NA HINDI NAKIKITA NG LENTE O NAPAPAKINGGAN SA RADYO NA WALIWAS SA OPINYON NIYA. Pero bagamat taliwas ang aking pananaw sa sinabi niya, nirerespeto ko iyun at naiintindihan. Hindi natin kailangan na masyadong mag-rant para lang mapatunayan na mali siya. At huwag din natin siya personalin at maging sadista. Diyan tayo sasablay.
Inuulit ko po. Hindi po patay ang industriya ng Orihinal na Pilipinong Musika. In fact, buhay na buhay pa nga ito. At darating din ang panahon na aangat pa lalo ang OPM.
* http://www.gmanetwork.com/news/story/271491/opinion/blogs/opm-is-dead-so-sue-me
Author: slickmaster | Date: 09-10-2011 | Time: 05.31 p.m.

02 September 2012
Ang SIRENA ni Gloc (Playback: Gloc-9 – Sirena)
09/02/2012 | 09:04 PM
Unang single mula sa kanyang latest album under Universal Records na “Mga Kuwento ng Makata,” ang kantang “Sirena” ni Aristotle Pollisco, mas kilala bilang si Gloc-9 ay isang kanta na tumatalakay sa isyu ng pagiging “bakla” ng isang tao sa mundo na kanyang ginagalawan. Kasama ni Gloc-9 sa kantang ito ang dating bokalista ng bandang Sugarfree na si Ebe Dancel.
28 August 2012
Battle Review: FlipTop Dos Por Dos Semifinals: Loonie-Abra vs. Shehyee-Smugglaz
08/02/2012 5:12 PM
Dapat ito ang nagtuos sa Finals e, pero may magagawa ka ba kung ganun talaga ang bracket ng tournament nila? Battle of the heavyweight shit, ika nga. Pangalan pa lang, malaman na. alam mo na kung gaano kabigat ang laban na ito. Ang isang tanmdem ay magkatropa sa Konektado. Ang isa naman ay kalahating 187 Mobstaz at FlipMusic.
Subscribe to:
Posts (Atom)